CHAPTER ONE

1001 Words
CHAPTER ONE Arriane Pov "Mabuhay ang kasal!" sigaw ng lahat na dumalo sa aming kasal ni Massimo sa mansion. Habang ako'y abot taenga ang ngiti dahil sobrang saya ko. Hindi ko mapigilan ang nararamdaman kong saya sa araw na ito. Ikinasal lang naman ako sa lalaking matagal ko na gusto. Isa siyang anak ng kaibigan ng mga magulang ko. Nangako siya sa harap ng mga magulang ko noon bago mamatay ang mga ito na papakasalan niya ako at heto na nga, natupad na ang pangako niya. Parang gusto kong tumalon sa tuwa. Kanina pa pala ako talon ng talon, pero feeling ko kulang pa ang pagtatalon ko sa sobrang saya ko sa araw na ito. Para sa akin kompleto na ulit ako, nang mawala sila mama at papa dahil sa aksidente, tila gumuho ang mundo ko sa araw na iyon. Ngayon binuo muli ni Massimo ang buhay ko. Wala na 'kong hinihiling pa kun 'di ang masaya at panibagong buhay ngayon kasama ang lalaking pinakasalan ko. "Congratulations, Arriane. I mean sa inyong dalawa." Lumapit si Ate Erra para yakapin ako, ganun din kay Massimo. Si ate Erra na lang ang naiwan kong pamilya at katuwang ko sa hacienda dito sa Tarlac. Hindi ko siya tunay na kapatid, alam ko at alam niya rin na ampon lang siya nila Mama, pero kahit pa ampon lang siya ay tinuring namin siyang totoong pamilya. Para sa akin hindi na iba sa amin si Ate Erra, para sa akin totoo ko siyang kapatid. "Thankyou, ate Erra." sagot ko dito. Gumanti ako ng yakap sa kaniya. Hindi rin ito nagtagal. Nagpaalam din kaagad para asikasuhin pa ang ibang bisita at para bumalik sa pwesto ng kaniyang mga kaibigan. Naging abala ang lahat sa paligid. Kami naman ni Massimo ay abala sa pakikipag-usap at pag-thankyou sa lahat ng bisitang nag-congratulate sa amin dalawa. Pagkatapos namin mag-speech sa harapan ng mga bisita tsaka ako niyaya ni Massimo na pumasok na sa loob. Ikinagulat ko pa nang pagkuin niya ako habang paakyat sa hagdanan. Mahigpit kong ikinapit sa kaniyang leeg ang aking braso. Napapangiti at natatawa dahil sa ginagawa niyang paghalik sa leeg ko habang buhat niya ako. Nakakakiliti ang mga kaunting sibol na balbas sa kaniyang baba. "Are you ready my beautiful wife?" bulong niya sa akin pagkatapos niya akong halikan sa aking leeg. Bigla akong kinabahan sa tanong niya sa akin. Hindi pa man kami nakakapasok sa aming room. Heto na nga. Isusuko ko na ang aking iniingat-ingatan sa tanang buhay ko. Ibibigay ko na sa lalaking pinakasalan ko at sa lalaking mahal ko. Kahit kasal na kami ni Massimo, naiilang pa rin ako sa kaniya. Bilang lang kasi ang pagkikita namin dalawa. Hindi naman kami araw-araw nagkikita at hindi niya rin naman ako pinakasalan dahil mahal niya ako. Pinakasalan niya ako dahil sa pangako niya sa mga magulang ko, bago ito bawian ng kanilang mga buhay. In short, pinakasalan niya ako dahil sa pangako niya. Pero ako...mahal na mahal ko na siya simula ng makita ko siya ng isang beses sa mansion kasama si ate Erra. Ang talagang close niya ay si Ate Erra. Ang buong akala ko si Ate Erra ang girlfriend niya pero hindi pala. Sobra ang tuwa ko nang malaman na magkaibigan lang silang dalawa. Nang makapasok sa loob ng room namin, kaagad ni-lock ni Massimo ang pinto. Hindi pa rin niya ako binibitawan. Nanatili pa rin akong nakakapit sa kaniyang leeg habang buhat pa rin niya ako. Naglakad ito palapit sa kama. Dahan-dahan niya akong inilapag doon. Nakatitig lang ito sa akin habang pinagmamasdan ko rin siya. Kung ano ang susunod niyang gagawin. "Ngayon ko lang natitigan sa malapitan ang babaeng pinakasalan ko. My wife is really beautiful." habang nakatitig pa rin siya sa akin. Halos ayaw niyang tanggalin ang pagkakatitig sa aking mukha. Nakakailang pero iniisip ko na lang na asawa ko na siya kaya may karapatan na siyang titigan ako at kung ano man ang gagawin niya sa akin ngayon. Napalunok ako at milyon-milyong bultahe ang dumadagundong sa dibdib ko. Napaka-gwapo pala ng pinakasalan ko. Ngayon ko lang ito natitigan ng matagal at natitigan sa malapitan. Kanina habang kaharap si Father sa altar habang hinahalikan niya ako ay nakapikit ako at ninanamnam ang sarap ng halik niya sa akin. Bumilis ang t***k ng dibdib ko nang sumampa siya sa kama. Gumapang palapit sa akin. Nakatitig pa rin ako sa kaniya. Hinihintay ang kasunod niyang gagawin. Sunod-sunod ang paglunok ko nang bumaba ang paningin niya sa dibdib ko. Kinagat ko ang aking lower lip. Bumaba ang mukha niya para halikan ako. Napapikit ako, ilang segundo ang lumipas walang lumapat na labi sa aking labi. Napamulat ako nang marinig ang mahinang katok mula sa labas ng pintuan ng silid na kinaroroonan namin. Pagmulat ko, ang mukha ni Massimo ang nasilayan ko. Nakatitig lang pala ito sa akin. "M-may tao," nauutal na sabi ko sa kaniya. "Ah," napakamot ito sa sariling batok bago tuluyang umalis sa ibabaw ko. Mukhang wala yata siyang balak na pagbuksan kung sino man ang kumakatok sa labas. Ako na sana ang magbubukas nito pero pinigilan niya ako. Naglakad ito palapit sa pintuan para pagbuksan kung sino man iyon. "Sorry, na-disturbo ko kayo. Ito nga pala dinalhan ko kayo ng maiinom." narinig ko ang boses ni ate. Sumunod na rin ako para tingnan kung sino ang tao sa labas ng pinto. Hindi nga ako nagkakamali, si ate Erra ang nasa labas, at may dala-dalang wine. "Hi, Arriane, sorry nadisturbo ko kayo. Dinalhan ko lang kayo ng maiinom para mas lalong enjoy ang honeymoon niyo." bati sa akin ni ate. Ngumiti naman ako dito. "Hindi ka naman naka disturbo sa amin ate." Ako na ang kumuha ng wine mula kay ate Erra. Natulala na kasi si Massimo. Mukhang walang balak na tanggapin ang wine mula kay ate Erra. "Hinatid ko lang naman ito, oh siya aalis na ako. May naghihintay din kasi sa akin sa ibaba. Enjoy sa honeymoon niyo!" paalam ni ate Erra sa amin bago tuluyan na umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD