Episode 2: Treated like Servant

1220 Words
Napatingin ako sa mga babaeng masamang nakatingin sa akin at napayuko naman ako. Ganito ba talaga ang mga ugali nila? Bakit ganyan sila makatingin? Alam ko na mas matanda pa sila sa akin, kung ikokompara ako sa kanila, sobrang bata ko pa talaga. Hindi ko pa kasi sana gustong magpakasal dahil wala pa akong alam sa mga ganito. Eh, hindi pa nga ako nakipag relasyon sa isang lalaki kahit kailan. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang buhay na ito. Hindi ko pa ma proseso ang mga pangyayari. Hindi ko matanggap na ang aking napangasawa ngayon ay may tatlong asawa na. Luha ang umagos sa aking mga mata at agad ko itong pinunasan. “Simula ngayon, ikaw nag magluluto dito sa bahay. Ikaw rin ang maglilinis.” Sabi ng maputing babae na si Nihle. “S-Sabi ni Ismael, l-lahat tayo maglilinis.” Sabi ko sa kanila. Hindi naman sa ayaw kong maglinis, sobrang laki ng bahay at hindi ko kayang linisin ang lahat ng ito. Tumayo si Nihle at lumapit sa akin. She grabbed my arms tightly at napangiwi ako sa sakit ng nararamdaman ko. She stared at me with anger in her eyes. “Pagod na kaming parating naglilinis dito sa bahay kaya panahon na para ikaw naman ang makaranas ng pagod dito.” Galit na sabi niya at narinig ko ang tawa ni Milan at Britney sa likod. Agad akong tumango and she smirked at me at bumalik sa pag upo. “Mahal na mahal kami ni Ismael dahil palagi naming binibigay ang gusto niya, ewan ko kaya kung mamahalin niya ba ang tulad mo.” Sabi ni Milan at napayuko naman ako. Wala akong pakialam kung mamahalin ako ni Ismael o hindi, gusto kong makaalis sa bahay na ito. Hindi ito ang gusto ko sa buhay. I don’t want to get stuck here like this. “K-Kung marunong siyang magmahal, ede sana isa lang ang asawa niya ngayon.” Hindi ko mapigilan ang mga salita na lumalabas sa bibig ko. Nakita ko na tumayo silang tatlo at lumapit sa akin. I whimpered in fear at umatras palayo. Kwinelyuhan ako ni Nihle at tinignan ng masama. “Mahal na mahal namin si Ismael at mahal niya rin kami ng patas, huwag ka nang makisawsaw,” Galit na sabi ni Nihle at tumango naman ako dahil sa takot. Hinila nila ako patungo sa taas and we stopped in front of a door. “Ito ang kwarto niya, walang isang nakapasok sa amin dito kay huwag na huwag kang pumasok diyan.” Sabi ni Britney at tumango naman ako. Hinila nila ako patungo sa pinaka last na kwarto at binuksan ito ni Milan. “Iyan ang kwarto mo, ilagay mo na ang iyong mga gamit at magsimula ka ng maglinis.” Sabi ni Milan and I nodded my head at agad na pumasok at nilagay ang aking mga gamit sa cabinet. Malaki ang kwarto at maganda rin ang design pero hindi talaga ako nadadala sa mga ganito, gusto ng umuwi, ayoko dito. Ayokong maging ika apat na asawa. I still believe na may makikita akong matinong lalaki na kahit pwede siyang makapag asawa ng marami, hindi niya gagawin dahil isa lang ang babaeng mamahalin niya. I want that kind of boy pero ngayon, I am stuck with a guy who doesn’t know how to love and girls na masasama ang ugali. How can I survive in this kind of life? “Hande! Maglinis kana!” Narinig ko ang galit ng sigaw ni Nihle sa labas at napa buntong hininga naman ako. Sa kanilang tatlo, si Nihle ang may pinakamasamang ugali. She’s very beautiful pero sobrang sama ng ugali. I stood up habang wala sa mood at paglabas ko sa kwarto, nakita ko ang mga gamit panglinis at kinuha ko ang mga ito at nagsimula ng maglinis. Sinigurado ko na walang matirang speck of dust sa mgagamit dahil naalala ko ang banta ni Ismael kanina, he doesn’t like it na may dumi pa ang natitira. Ganito ba talaga ang ugali niya? Kanina, mukhang kalmado siyang tao pero hindi ko pa rin siya kilala. Hindi ko alam ang tunay na ugali niya, baka may tinatago siyang ugali. Pero naalala ko ang sabi nila Nihle kanina na mahal sila ni Ismael, ibig sabihin, tinatrato sila ng tama ni Ismael? Kailangan kong maging masunurin sa bahay na ito pero sisiguraduhin ko na makakaalis ako dito. Hindi ko hahayaan na magiging pang apat na asawa ko. I deserve more than that. Wala pa akong alam sa mga ganito pero alam ko ang value ng pagmamahal. Nang matapos na akong maglinis, pumunta na ako sa sala kung saan nanonood ang tatlo sa telebisyon. They are chatting and laughing at each other at naputol ang pagtatawanan nila nang makita ako. “Tapos kana?” Tanong ni Britney and I nodded my head. “I will check the house, kung may makikita akong dumo sa sulok ng bahay, malilintikan ka.” Sabi ni Nihle at tumango naman ako. Ayokong makipag away dahil wala akong kakampi dito. Mas mabuting manahimik na lang ako at sundin ang mga utos nila. “Magluto kana ng pagkain dahil uuwi na mamaya si Ismael, nandoon ang listahan sa mga gusto niyang pagkain sa refrigerator.” Sabi ni Milan at tumango naman ako at agad na pumunta sa kusina. Kinuha ko ang note na nasa ref at binasa ito. Dinner Chicken Shawarma Falafel Hashweh Lahat ba ito gagawin ko? Kailangan kong tanungin ang tatlo. Pumunta ako ulit sa sala at napalingon sila sa akin. “Lahat ba ito lulutuin ko?” Tanong ko sa kanila and they nodded their heads. “Oo, tanga.” Sabi ni Nihle and I nodded my head at bumalik sa kusina. Sobrang sakit na ganito ang trato nila sa akin. Wala naman akong ginawang masama sa kanila pero ganito nila ako tratuhin. Napaiyak na lang ako habang niluluto ang lahat ng pagkain. Kailangan kong maging matatag at makalaya sa buhay na ito. Alam ko na may pag asa pa, hahanap ako ng paraan para makaalis dito. Hindi man ngayon, pero balang araw makakaalis rin ako. Titiisin ko muna ang masasamang trato nila sa akin hanggat sa kaya ko. Narinig ko ang busina sa kotse sa labas at agad na lumabas ang tatlo at natapos ko na ang pagluluto at hinanda ko ito sa mesa. Nakita ko si Ismael habang nakayakap sa kanya sila Nihle, Milan at Britney at napayuko naman ako. Tinignan ako ni Ismael at nakaramdam naman ako ng kaba habang hinahawakan ang aking mga daliri. The girls glared at me. “Hindi mo ba babatiin ang asawa mo?” Tanong ni Ismael, sobrang gwapo niya, and all the girls are so small compared to him. He is so manly and I shook the thoughts away. “G-Good evening,” Kinakabahan na sabi ko and he stared at me for a minute. “I thought I made it clear that I want a good wife, Hande?” Kalmadong sabi niya at napalunok naman ako at tinignan ang mga paa ko. “You don’t want to see my bad side do you?” He asked dangerously and tears formed in my eyes at pumatak ito sa sahig. How can I be a good wife to him when three girls are clinging into his arms? Ayoko ng ganitong buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD