Episode 1: Forced Marriage

1221 Words
THE CHARACTERS IN THIS STORY ARE ARABIANS BUT IN TAG-LISH LANGUAGE. THIS STORY IS FICTIONAL ONLY Ang malamig ng simoy ng hangin ang sumampal sa aking katawan habang tinitignan ko ang mga kahoy sa labas ng bintana ng kotse na sinasakyan ko ngayon. Dahan dahan kong sinara ang windshield at napa buntong hininga. I fidgeted in my seat at tinignan ko ang aking ama na nagmamaneho habang malalim ang iniisip. Sobrang sikip ng aking puso dahil alam ko na ang patutunguhan ng buhay ko ngayon. “Baba.” Malungkot na tawag ko sa kanya at hinigpitan niya ang hawak sa steering wheel at hindi ako pinansin. “Ayokong ikasal,” Malungkot na sabi ko at napa buntong hininga naman ito. Isa sa ayaw ko pang ikasal dahil hindi ko kilala ang taong pakakasalan ko at gusto kong makasal sa taong mahal ko at mahal ako. Bata pa rin ako, I am only 18 years old, marami pa akong magagawa sa buhay. Hindi ko inaasahan na ganito pala ang kahahatungan sa aking buhay. Hindi ako mahal ng pamilya ko, I am their only daughter pero hindi nila ako binibigyan ng importansya kahit kailan. Ngayon binebenta na nila ako sa isang taong hindi ko naman kilala. I only know his name pero hindi ko alam kung sino talaga siya. Magiging mabuting asawa ba siya sa akin? Tatratuhin niya ba ako ng parang asawa? Hindi ko nga alam kung ano ang itsura niya. “Ikakasal kana, Hande. Kailangan mong maging masunurin sa asawa mo at huwag na huwag kang tumanggi sa mga kailangan niya.” Striktong sabi ni Baba at napayuko naman ako habang luha ang pumatak sa aking mga mata. Hindi naba talaga mapipigilan ang lahat ng ito? Huminto na ang sasakyan at lumabas si Baba at binuksan ang pinto ko. Kinuha ko ang aking maleta habang hinawakan ng mahigpit ang aking shawl na nakabalot sa aking katawan. Bumilis ang kabog ng aking puso at sobra akong kinakabahan sa mangyayari. Sumunod ako kay Baba at nakita ko ang isang malaking mansion na nasa harap ko, walang wala ang bahay namin rito dahil sobrang liit lang ng aming bahay. Pinindot ni Baba ang doorbell at maya maya lumabas ang isang magandang babae at napatingin siya sa amin ni Baba. “Nandiyan ba si Ismael? Nandito na ang anak kong si Hande.” Sabi ni Baba at tumango ang babae at bumalik ulit sa loob. Maya maya, bumalik ulit ang babae at pumunta sa amin. “Pasok po kayo,” Sabi niya at pumasok kami ni Baba dala ang maleta ko. Napatingin ako sa paligid at nakita ko na may malaking pool sa gilid. Mayaman ba ang mapapangasawa ko? Per ganun man, wala pa rin akong interest dahil hindi ko naman siya mahal at hindi ko rin siya kilala. Nang makapasok na kami sa loob nagulat ako naman ako nang makita ko ang mga magagarang gamit sa loob. Ang mga mesa ay kulay gold at may malaking TV sa harap. Para akong nasa palasyo sa bahay na ito. Nakita ko ang isang babae kanina na lumabas sa amin kasama ang dalawang magagandang babae. Nakaupo sila sa sofa habang pinagmamasdan ako. Bigla naman akong kinabahan at pilit na huwag pansinin ang kanilang mga titig. Nakarinig kami ng mga yakap sa taas at nagulat ako nang makita ko ang isang gwapong lalaki. Nakasuot siya ng tuxedo, sobrang tangkad niya at malalakas at maganda ang kanyang katawan. Moreno ang kanyang kulay at ang kanyang buhok ay kulay itim at medyo magulo pero mas gumwapo siyang tignan dahil dito. Nakikita ko lang ang ganitong kagwapuhan sa mga magazine noon pero ngayon kaharap ko. Napatingin ang lalaki sa akin. “Ismael,” Bati ni Baba and they shake their hands. “Nandito na si Hande, anak ko.” Sabi ni Baba at lumapit sa akin si Ismael. Kinabahan ako nang makalapit ang kanyang matangkad na awra papunta sa akin. Sobrang tangkad niya, taga dibdib lang ako dahil sa katangkaran niya. “Ikinagagalak kong makilala kita, Hande. Akos si Ismael Aslan, ang iyong asawa.” Sabi niya and I glance up and saw him smirking habang tinitignan ang katawan ko. Napaatras naman ako at tinignan ko si Baba at tinignan niya ako ng masama. “Naka pirma na ang lahat ng mga papel at matatawag na kitang asawa ngayon.” Sabi niya at hindi ako sumagot. “Aalis na ako, Ismael. Ikaw na bahala sa aking anak.” Sabi ni Baba at tumango naman si Ismael. “I will send the money to your bank account.” Sabi ni Ismael at pinasalamatan niya si Baba. “Baba,” I called him with fear in my voice. “Umayos ka Hande, kundi malilintikan ka talaga.” Galit na bulong ni Baba sa akin and tears formed in my eyes nang makaalis na ang ama ko. Ako na lang mag isa ngayon. Natatakot ako sa kanya, gwapo siya pero mukha siyang masamang tao. Hindi ko siya gusto. Gusto kong makaalis sa bahay na ito, gusto ko ng umuwi. “Bakit umiiyak ang asawa ko?” Tanong niya at hinaplos ng dahan dahan ang aking kamay. Inalis ko ang kamay niya at umatras. His eyes darkened kaya natakot naman ako pero nawala lahat ng iyon at napalitan ng saya. “Ipapakilala kita sa ibang asawa ko.” Sabi niya at nagulat ako. Ibang asawa? Alam ko naman na kultura ito sa amin pero hindi ko akalain na ibebenta ako ni Baba sa lalaking may asawa na. Paano niya nagawa sa akin ito? “This is Nihle,” Sabi niya at tinuro ang babaeng sobrang puti at itim ang kanyang buhok. Maganda siya pero mukhang masungit base sa tingin niya sa akin ngayon. “This is Milan,” Sabi niya at tinuro ang babae na may kulay kayumanggi ang buhok. Maganda rin ito. “And this is Britney.” Sabi niya at tinuro ang babaeng may kulay blonde ang buhok. Para siyang American, paano niya naasawa ang lahat ng babaeng ito? “Ngayon sasabihin ko ang mga rules sa bahay na ito.” Sabi ni Ismael at humarap sa akin. “You are not allowed to go into my room, ituturo nila kung saan ang kwarto ko. Papasok ako sa kwarto mo kung kailan ko gusto. Also, all of you will clean the house and I DON’T want any speck of dust in the house dahil gusto kong malinis ang bahay.” Sabi niya at napalunok naman ako sa sinabi niya. “Also, I want a submissive girl. Ayaw ko ng maarteng babae na aayawan ang mga gusto ko. I will treat you all equally, provide food and good shelter in exchange for being a good wife.” He said at lumapit sa akin. My heart stopped nang makaapit siya sa tenga ko. Nakakatakot siya, hindi ko akalain na may ganito pa lang lalaki ngayon. “And lastly, your body is mine so I will do anything with it. Got it?” Tanong niya at hindi ako makasagot. “Gusto mo ba akong magalit?” Kalmadong tanong niya and I shook my head in fear. “Good. I am not here during the day, only at night, so be friends with the girls.” Sabi niya at napayuko naman ako at tumango. Natatakot ako sa magiging takbo ng buhay ko sa mansyon na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD