Meredith's POV
DJ is so funny. Siya raw ang mamimili ng magiging boyfriend ko. Sige na nga, pagbigyan! Okay naman taste niya kasi gwapo ang boyfriend niya, e.
"Kain tayo, sis," yaya ko sa kanya dahil kanina pa kami naglilibot sa mall.
"Sure. Saang restaurant mo gustong kumain? My treat."
"Talaga? Pero ayoko sa resto, sis," sabi ko. Samantalahin na natin habang nasa mood manlibre ang baklang ito.
"Ha? E san tayo?"
—
"Sigurado kang diyan tayo kakain?" Halata kay DJ ang pag-aalinlangan nang matanaw namin ang lugar na gusto kong kainan. Hinila ko siya palapit doon. He's obviously not familiar with this kind of foods.
"Oo. Sobrang sarap ng kwek-kwek dito. Favorite namin itong kainan ni Meredith." Pagmamalaki ko.
"Kwek-kwek? Ano ba ’yon?" tanong ni DJ na ikinalaglag ng panga ko.
"Omg, sis, hindi mo alam ang kwek-kwek?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"I've heard kwek-kwek already. Naririnig ko ’yon sa mga kasama ko sa gang pero hindi ko alam sa mga street foods kung alin doon ang kwek-kwek." Tinusok ko ang isang kwek-kwek at iniabot sa kanya ang stick. He looks at it pero tinikman din naman.
"Manang bente pesos nga nito, at saka nito rin, at nito rin, pati na rin po nito." Tinuro ko ang lahat ng tinda ni manang.
Pagkaabot sa akin ni manang ng supot ay niyaya ko si DJ sa isang park. Naupo kami sa isang bench at pinatong ko roon ang mga binili namin. Nasa gitna namin ang mga pagkain at iniabot ko sa kanya ang isang stick.
"Are they safe to eat?" Nasapo ko na lang ang noo ko dahil sa tanong niya.
"Yes, sis. So let's make tusok-tusok the fishball. Alam mo ba ang fishball?"
"I have no idea with the variety of street foods?" Variety talaga?
"Ito ang fishball, ito ang kwek-kwek, ito ang kikiam." Isa-isa kong itinuro ang mga pagkain para sa kanya.
"Ano ’yang mga nakatusok sa stick?"
"Itong mga ito naman ay ang isaw, helmet...ito ang adidas at betamax," sabi ko habang tinuturo isa-isa gamit ang stick.
"Ang weird naman ng mga pangalan. Pero masarap ba at safe talagang kainin ang mga ’yan?" Napairap ako sa kaartehan ng baklang ’to.
"Oo nga, sis! Try this..." Tumusok ako ng isang kikiam at itinapat sa bibig niya. Hinintay ko siyang ngumanga ngunit hindi niya ginawa. "Bilis, sis! Say aahh..." Pangungulit ko. Wala na siyang nagawa kundi ang ngumanga. "Ano? Masarap, ’di ba?"
"Puwede na." Parang bang napipilitan siya. Nagsimula na lang din akong kumain. Napatingin ako kay DJ nang mapansing halos siya na ang nakaubos ng mga pagkain namin.
"Grabe, Meredith, nabusog ako roon!" sabi niya habang hawak ang tiyan.
"Hindi halata," I said sarcastically at tumingin siya sa akin.
"Gusto mong pumunta sa bahay?" tanong niya.
"Anong gagawin natin doon?"
"Tatambay lang."
"Sure, sis. Tara!" Excited kong sabi at napapalakpak pa ako. Naglakad kami pabalik sa sasakyan niya at nagsimula na siyang mag-drive. Lumiko siya sa isang malaking village at tumigil kami sa tapat ng isang gate na tila mansion sa laki.
"Bahay niyo?"
"Nope. Kina Jethro ’yan," aniya.
"What? Nagsasama na kayo?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Ngunit imbis na sumagot ay tumawa siya nang malakas. "Ano nga? Live in na kayo?" Pinapaimin ko siya pero hindi niya ako sineseryoso.
"Sira! Hindi tayo riyan pupunta. Pinakita ko lang sa iyo ang bahay nina Jethro." Natatawa pa rin niyang sabi.
"Tara na sa inyo." Nag-drive na ulit siya. Ilang minuto lang ay muli na kaming huminto. Tinanaw ko gate na hinintuan namin.
"We're here..." he announces. Bumaba na kami at pumasok sa loob ng bahay nila. Kung bahay nga ba itong maituturing dahil tulad ng kina Jethro ay tila masyon din ito sa laki. Though, mas malaki ang mga bahay namin ni Astrid kaysa kina Jethro at DJ.
Nakuha ang atensyon ko ng mga tumatakbong yabag. Isang may kabataang babae ang nagmamadaling bumaba sa hagdan para salubungin si DJ.
"Kuya—" Nanlaki ang mga mata niya nang masulyapan ako at halos malaglag pa soya sa hagdan. Mas lalo siyang nagmadali palapit sa amin ni DJ. "OMG, kuya, sino siya?"
"Oh, this is Meredith. Meredith, si Lhyn, kapatid ko."
"Hello," she greets me.
"Hi..." I'm not good at introduction, though. And I don't know how awkward I sounded. Nagulat ako nang biglang sumigaw si Lhyn.
"Mommy, come here! Si kuya, may kasamang babae!" A middle aged woman came out from the kitchen. Humahangos pa siya kaya halatang nagmadali rin siya sa paglapit.
"My god! what's your name, hija?" tanong ng babaeng sa tingin ko ay mommy nila. She has Lhyn's resemblance and that's a confirmation already.
"Meredith po, ma'am." Hinampas niya ako sa braso na tila ba matagal na kaming magkakilala.
"Huwag naman ma'am, Meredith. Masyadong formal, e. Tita Maya na lang," sabi niya at nahihiya akong ngumiti.
"Sige po, Tita Maya."
"Tamang-tama ang dating ninyo, Ate Meredith, nag-bake kami ni Mommy ng cookies," pahayag ni Lhyn at bigla akong nakaramdam ng gutom. Mabuti na lamang at may makakain kami ngayon dahil inubusan ako ni DJ ng pagkain kanina.
Naiwan si DJ sa sala dahil hindi siya pinayagan ni Tita Maya na sumama sa amin sa kusina dahil may girls talk daw kami. Kasabay kong kumakain ng cookies sin Tita Maya at Lhyn.
"So, gaano na kayo katagal magkarelasyon ni Kuya, Ate Meredith?" Halos mabulunan ako sa biglang pagtatanong ni Lhyn. Tila hindi siya nagdalawang isip na usisain ako tungkol kay DJ.
"Ha? Hmm..." Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot sa kanila dahil baka magkamali ako.
"Naku, Meredith, pasensya ka na sa tanong ni Lhyn. Na-excite lang talaga kami dahil ngayon lang nagdala ng babae rito si DJ," sabi ni Tita Maya.
It's confirmed. Maging sa family niya ay hindi pa nag-a-out si DJ. Bakit ayaw niyang umamin? Sigurado naman ako na matatanggap siya ng family niya.
"Ano ba, Mommy? Baka kung anu-ano na ang pinagsasabi ninyo kay Meredith." Pumasok sa kusina si DJ at saka lang ulit ako naging komportable. Pakiramdam ko kanina ay nasa hot seat ako.
"Hay nako, anak, Na-miss mo lang agad ang girlfriend mo, e," Tita Maya teases. "Fine, you can join us now." Nagkatinginan kami ni DJ at nag-thumbs up sa kanya. Kung hindi pa siya ready na mag-out sa family niya tungkol sa pagiging bakla niya ay tutulungan ko siyang itago pansamantala.
Naupo si DJ sa tabi ko at bumulong. "I know what you're thinking. That they don't know the truth about me kaya sinakyan mo ang akala nila na girlfriend kita?" Tumango ako. Mas lumapit pa ako sa kanya at bumulong.
"Tutulungan kitang itago lahat hanggang sa maging ready ka na," sabi ko at natawa siya. Napakunot ang noo ko.
"You look good together. Bagay na bagay kayo," komento ni Tita Maya kaya nginitian ko siya nang matamis.
"Thanks po, Tita Maya." Nagpatuloy na kami sa pagkain. Matapos ang walang humpat na kuwentuhan at kainan ay nagpaalam na rin ako sa kanila. Hinatid pa nga ako ni DJ, e.
Kinabukasan ay hindi pumasok si Meredith. Buti na lamang at dumating na ang mga kaibigan namin na nagbaksyon grande kaya naman may nakakwentuhan ako sa room.
"Balita ko classmate natin ang Raven?" Raven asks.
"Yea, kaya nga ginusto ko nang makauwi agad from Paris, e." Kinikilig na sabi ni Janica.
"Same here. And we're so excited to meet them," Rhowy utters.
"I bet they're really hot," Diana giggles. Ano ba ’tong mga ito? Mga kaibigan ba talaga mamin sila?
"Anong masasabi mo, Meredith? You already met them, right?" Excited na tanong ni Rhowy.
"Yeah. Hmm...Okay lang naman sila." I think that's the safest answer. Hindi ko naman puwendeng sabihin na bakla ang dalawang leader ng gang na pinagpapantasyahan nila. Hindi lang basta bakla, mag-jowa pa.
"Wait, where's Astrid?" tanong ni Raven nang mapansing hindi pa dumarating si Astrid.
"Hindi siya makakapasok dahil sasamahan niya si Tito sa isang underground transaction," Kaswal kong sagot.
"Again? Paano kung mapahamak siya?" Naghihisteryang sambit ni Janica.
"At mabaril?" Dagdag ni Diana.
"O kaya masabutahe sila?" sulsol pa ni Rhowy.
Nagkatinginan silang apat at inihanda ang sarili ko sa susunod nilang sasabihin. "Or worst, baka mapatay siya!" Sabay-sabay nilang sabi. Napailing na lang ako napairap sa hangin. They're always like that tuwing malalaman nilang nasa isang transaction or mission ang isa sa amin ni Astrid.
"Stop overreacting, girls. Do you really think that Astrid is as weak as you were thinking?" singhal ko sa kanila at hindi sila nakapagsalita. Alam nilang hindi kami ganoon kadaling mapapatay ni Astrid. May times lang talaga na sobra ang pag-aalala nila.
Mayamaya ay umasok ang mga Dark Core kaya tiningnan ko ’yong apat apat kong kaibigan.
"Ang gwapo." Mahihina nilang bulungan habang titig na titig sa mga bagong dating na tila nagha-heart shape pa ang mga mata. Napailing na lang ako. Kung alam lang nilang bakla sina DJ at Jethro.
—
Pagdating ng vacant hour namin ay nagtungo kami sa garden kahit may kainitan pa. Tumambay kami sa damuhan at sumandal sa isang puno.
"Wala man lang gwapo." Bagot na sabi ni Janica.
"Nasaan ba ang Dark Core?" sabi naman ni Diana. Why are they like that? Kapag naghahanap ng gwapo, Dark Core agad? Napailing na lamang ako at nangalumbaba.
"Hi, miss. Meredith, right?" Nagulat ako nang may magsalita sa likuran ko. Nilingon ko siya at nakita ang isang hindi pamilya na mukha. Sino naman itong unggoy na ’to? Tumayo ako at hinarap siya.
"Do I know you?" Taas-kilay kong tanong.
"I'm Chester. Let's have our lunch out," sabi niya at literal akong napahalakhak. Maging ang mga kasama ko ay natawa rin.
"You're kidding, right?" I said. Hindi naman siya siguro seryoso nang imbitahan niya akong mag-lunch out of nowhere. I mean I've never seen him before. He's a total stranger.
"Seryoso ako at—"
"Can't you just stop?" Pikon kong sabi at narinig ang pagsipol ng mga kasama ko.
"I can hear a crisp of a neck," sabi ni Rhowy at kunwari ay tinitingnan ang kuko niya habang sumisipol.
"May problema ba rito?" Sabay-sabay kaming napalingon sa bagong dating. Naglalakad siya palapit sa amin habang naninigarilyo.
"Sino ka?" tanong nu g unggoy nang magkaharap na sila.
"DJ..." Kaswal na pakilala ni DJ. Itinapon niya ang kanyang sigarilyo at tinapakan ito. Okay, pero bakit ang hot niyang bakla?
"At sino ka naman?" tanong pa ni unggoy. Nagdilim ang mukha ni DJ at ipinamulsa ang mga kamay.
"Diether Jack Villafuerte." DJ sents dagger look at him. Maging ako ay pinangingilabutan sa mga tingin niya. Tila nakakamatay.
"V-Villafuerte? Isa sa mga leader ng Dark Core Gang?" Takot na sabi ng lalaki. Ang laki niyang tao pero naduwag bigla nang malamang leader ng Dark Core ang kaharap niya ngayon.
"Wow, I never thought that even monkeys know our gang." DJ taunts him at natawa ako. Why so mean, DJ?
"I-I'll leave now," sabi ni unggoy at tumakbo na palayo. Nagkatinginan kami ni DJ at nagkibit balikat siya. Nilapitan niya ako at nakitambay sa amin. Nakasama namin sa pagtam ay si DJ dito sa garden hanggang sa mag-resume ang klase.
—