Chapter 5

2270 Words
Astrid's POV Pagdating sa classroom namin ay tumahimik ang mga classmate namin. They should be. Alam nila kung gaano namin kaayaw ni Meredith ang maiingay. Nagpalinga-linga ako sa paligid upang maghanap ng mauupuan. Gusto ko sa may bintana umupo kaya lang ay may nakaupo na. "Move." I shooed the guy sitting on the armchair I want to occupy. Nagmamadali niyang nilimas ang mga gamit niya at natatarantang tumayo. "Why so mean, Astrid?" Natatawang sabi ni Meredith at naupo na sa tabi ko. "Classmate daw natin ang Dark Core?" Narinig naming nag-uusap ang ilang babae sa bandang unahan namin ni Meredith. Nagkatinginan kami at sabay na napakibit-balikat. We both don't know who Dark Core are. "OO nga raw, e. Classmate na nga natin ang heiresses ng dalawang pinakamakapangyarihang mafia, classmate pa rin natin ang gang leaders ng Dark Core? Ano pang mangyayari sa section natin?" komento ng kausap niya. Kung pagchi-chismisan nila kami, sana sinisiguro nilang hindi namin sila maririnig. "Hey, the two of you..." sabi ni Meredith at itinuro ang dalawang chismosa naming classmate. "Lakasan niyo pa kaya mga boses niyo para dinig sa kabilang classroom?" Pikon na sabi niya. "Or page it, rather." I added. Hindi na nakasagot ang dalawa at tumungo na lamang. "Kath, paano mo nalamang bakla sina DJ at Jethro?" I ask as I lean in. Inilapit naman ni Meredith ang upuan niya sa upuan ko na tila ba mahaba-haba ang ikukwento niya. What the hell? Pinatahimik namin ang chismosa naming mga classmate pero siya pala itong may ichi-chismis? "Eh kasi nga ganto yun—" "Who's Astrid Montreal?" Hindi pa man nakakapagsimula sa kuwento si Meredith ay naputol na agad siya ng lalaking kapapasok lang ng classroom. Tumayo ako at nagulat siya. "Thank you for pronouncing my whole name with an accent," I said and he smirks. "OMG! Nginisian niya si Astrid." "No one dared to do that." "Astrid, napulot kasi ni Jethro ang wallet mo kaya ka niya hinahanap," paliwanag ni DJ. Kinapa ko ang bulsa ng uniform ko at napag-alamang wala nga wallet ko. Lumapit ako kay Jethro at binawi ang ito. Nang makuha ko ang wallet ko ay naglakad na ako pabalik sa upuan ko. "Wow, Miss Astrid, salamat ha?" sarkastiko niyang sabi. "You're welcome," sakastiko ko ring sagot. Halatang nainis siya sa naging tugon ko. What? He didn't expect me to thank him, did he? I didn't ask for it, though. Nagkusa siya isauli ang gamit ko. Tumingin siya sa classmate ko na nakaupo sa may bintana. "Move, ako riyan!" Maangas niyang sabi at agad na umalis ang babae. Sino ba siya sa akala niya? Hari-harian? Tapang -tapangan para hindi mahalatang pusong babae siya? Wala rin naman akong magagaw kung mas gusto nilang itago ang identity nila. Mabilis lumipas ang oras at sa cafeteria namin napagpasyahang kumain ng tanghalian. We occupied the table at the very corner of this cafeteria. "Astrid, sina DJ pala ang Dark Core," sabi ni Meredith habang kumakain. "Obviously. Sila lang naman ang transferee." Mayamaya ay biglang tumahimik sa caf. Tiningnan ko ang mga bagong dating. Mabilis akong nawalan ng ganang kumain dahil sa mga natanaw ko. The Dark Core Gang. They ordered at the counter at naghanap na ng mapupwestuhan. "Sis, dito!" Tiningnan ko nang masama si Meredith pero nagngising aso lang siya. Nagtungo naman sina Jethro sa table namin at tahimik na nagsimulang kumain. "Kath, samahan mo ako mamaya sa mall." DJ initiated the conversation. "Magsho-shopping ka?" "I guess. Bibili ako ng dress." "Sige, sis. Kasama ba natin ang boyfriend mo?" Patuloy nila sa usapan at nakikinig lang naman ako. "Boyfriend?" Naguguluhan tanong ng mga kasama nila. "Oo. Si Jet—" Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Meredith bago pa man niya matapos ang sasabihin. "Not your story to tell, Meredith. Don't out them." "OMG! Sorry, sorry!" Paulit-ulit ang pagso-sorry ni Meredith. That was so close. The last thing I would do is to out someone. Especially the one I just met. "Meredith, nahawahan mo na yata ng pagkabaliw itong si Astrid? Baka mamaya naniniwala na talaga ’yan." DJ laughs. "Obviously, pare, naniniwala na nga siya." Walang pakialam na sabi ni Jethro at tumungga sa canned softdrinks sa harapan niya. DJ stops eating then look at me. "What?" Hindi makapaniwalang bulalas niya  "You really believe that I'm—Ah, never mind," he said in frustration the look at Meredith. " Let's talk later." "Yea, sure." Hindi naman na nagtanong pa sj Meredith at sumang-ayon na lamang. "Astrid, i-cancel muna natin ’yong shooting." Baling niya sa akin kaya napataas ang kilay ko. "Shooting? Artista kayo?" tanong ng isa nilang kasama. I think Benzon is the name. "Mukha lang kaming artista pero hindi." Natatawang sabi ni Meredith. "Then what kind of shooting? As in baril?" A boy named Dave butts in. "Yeah, why?" "You know how to use gun?" I can sense excitement at Benzon's voice. "Yea..." Bored kong sagot. "Astig! Pero paano kayo natutong humawak ng baril?" Napakatsismoso naman ng mga 'to. Sina Jethro at DJ ay kumakain nang tahimik pero alam kong nakikinig. "Because we were trained. Like, duh?  We'll be the mafia queens," Meredith says like it's just normal being a mafia queen. Napasulyap kami kay Jethro nang masamid siya. Halata ang pagkabigla dahil sa inamin ni Meredith. What? Hindi ba halata sa amin? "Okay ka lang ba, pare? Heto tubig, oh..." Inabutan ni DJ ng tubig si Jethro at mabilis niya itong naubos. "You mean...you two are mafia heiresses?" Sa wakas ay naisatinig ni Jethro. "Got a problem with that?" Mataray kong tanong. "Kaya pala ang lakas ng loob niyang magreyna-reynahan dito." Narinig kong bulong niya pero inirapan ko lang siya. I don't wanna have a cat fight with that gayster. DJ's POV Astrid really thinks I'm an actual gay? I have to talk to Meredith at sabihing hindi ako bakla. Baka ma-turn off sa akin si Astrid kapag nagpatuloy siya sa ganoong pag-aakala sa akin. After lunch break ay dumiretso kami ng gang sa tambayan namin. Lima lang kaming nag-aaral dito sa Wellington High. Kalat ang gang namin sa iba't ibang eskwelahan. "Oh, pare? Napadaan kayo rito?" tanong ni Troy dahil alam nilang may klase pa kami. What's new? We used to ditch everyday. "Nah! Tinatamad lang kaming pumasok," sagot ko. "Eh kamusta? May nag-angas ba sa inyo?" usisa ni Ramon. They're all curious about our first day in Wellington. "Nag-angas na gang, wala. Pero mafia, mayroon." Halata ang inis sa tono ng pananalita ni Jethro. "Baka pipichuging mafia lang ’yon, dude." Mayabang na sabi ni Troy. "Hindi, pare. Montreal Mafia and Rapstridge Empire," ani Dave. Napatigil sila nang marinig ang pangalan ng mga mafia na tinutukoy namin. "Anak ng tokwa, mga pare! ’Yang dalawang mafia group na ’yan ang pinangingilagan dito," Ramon utters. "Yea, I know. But I'm not afraid of them. Kayang-kaya kong makipagsabayan sa kanila." Puno ng kumpyansa si Jethro. Well, maging ako rin naman ay hindi nababahala sa puwede nilang maging banta sa paghahari-harian namin. "Kame rin naman, bro. Pero oras na makabangga mo ba sila, kaya mong pumatay?" tanong ni John at natigilan si Jethro.. "What do you mean?" tanong ko dahil maging ako ay natigilan. "Bata pa lang ang mga heiresses ng dalawang mafia group na ’yon ay bihasa na sila sa pagpatay. Inosente man o hindi," Diego explains. Napalunok ako. Iyong dalawang babaeng ’yon? Sina Astrid at Meredith? Mukha lang pala silang mga anghel pero may mga sa-demonyo ang ugali. Napatingin ako kay Jethro at bakas din sa kanya ang pagkabigla. "Anong plano natin, pare?" tanong ni Benzon at tiningnan siya ni Jethro nang masama. "We already have plans from the very start at iyon ay ang pagharian ang Wellington High," I said. "DJ is right. Walang mababago sa plano," pagsang-ayon ni Jethro. "Ngayon, kung naduduwag na kayo, you can leave this gang now," sabi ko at nagsindi ng yosi. "No way, dude. We don't want to leave this gang," Benzon protests. "Then stop showing cowardice." Malamig na sabi ni Jethro at nagsindi rin ng yosi. Tiningnan ko ang oras at mag-aalas tres na pala. Tumayo na ako at napatingin sila sa akin. "Saan ka pupunta?" tanong ni John. "Wellington. Susunduin ko lang si Meredith." Kaswal kong sagot kaya buong pagtatakhang napatingin sa akin si Jethro. "Ang akala ko ba ay si Astrid ang gusto mo?" "Magpapasama lang ako kay Meredith sa mall." Tinalikuran ko na sila at nag-drive papuntang Wellington. Sinabi ko rin kasi kay Meredith na susunduin ko siya dahil nga magpapasama ako sa kanya sa mall. Wala rin kasi siyang dalang sasakyan dahil kotse ni Astrid ang ginamit nila. Bumaba ako ng sasakyan para hanapin si Meredith. I don't have her contacts kaya hindi ko siya matanong kung nasaan siya. Ngunit imbis na si Meredith ang makita ko ay si Astrid ang natanaw ko. "Astrid!" tawag ko sa kanya. Mabuti na lamang at nilingon niya ako. "What?" Inip niyang tanong. Nginitian ko siya at nag-jog palapit sa kanya. "Nakita mo ba si Meredith?" tanong ko nang magkaharap kami "Nasa room. May tatapusin pa." Mataray niyang sabi. "Okay. But puwede ba kita makausap saglit?" tanong ko at mas lalo pang tumaas ang kilay niya na kanina pa nakataas. "Nope. You're just a waste of time." Walang pakundangan niyang sabi at naglakad na palayo. I didn't give up at  hinabol ko siya. Hinawakan ko siya sa braso para muli niya akong maharap. "Ano bang problema mo?" Inis na tanong niya. "I just want to tell you something." Pangungulit ko. "Ano ba ’yon? Bilisan mo," she said impatiently just to get rid of me. "Hindi ako bakla. Sttraight ako. And I will never be a gay." Paglilinaw ko sa mga akala sa akin ni Meredith na ngayon ay akala na rin ni Astrid. "Okay..." Walang pakialam niyang tugon. Iyon lang ang sinabi niya at naglakad na ulit siya palayo. Muli ay hinabol ko siya. I blocked her way with my arms widen. Tiningnan niya ako nang masama. "Hindi ka ba talaga titigil?" "I said I'm not gay," ulit ko. "I already said okay. What do you want me to react?" Para siyang bulkan na sasabog na sa galit dahil sa pangungulit kon "I just want you to know that us is possible. We can be together." "Say what?" Hindi makapaniwalang sambit niya. "Puwede tayo maging magsyota!" Abot tainga ang ngiti ko nang sinabi ko ’yon. Natigilan siya at natulala  sa akin. Tila pinag-iisipan niyang mabuti ang mga nilahad ko. Say yes. Please say— "f**k!" Napamura ako sa sakit nang walang sabi-sabi ay tinuhod niya ako. She kneed me in my precious family maker. Hindi ko alam kung paano ngingiwi nang hindi naaalis ang kagwapuhan ko. It goddamn hurts. "Not in a million years!" Tuluyan na siyang umalis at sumakay ng kotse niya. Wala na akong lakas para sundan siya dahil sobrang sakit ng ginawa niya sa akin. Para na niya akong tinanggalan ng kaligayahan. Why does he have to be that violent? It really hurts! Pero alam kong bibigay ka rin sa akin, Astrid. Wala pang babae ang hindi ko nakuha. You'll be mine soon...very soon. "Sis?" Napaayos ako ng tayo nang makita si Meredith na papalapit sa akin. "Hi, Meredith." Pinilit kong batiin siya nang ayos kahit ang totoo'y namimilipit pa rin ako sa sakit ng aking sandata dahil sa ginawa ng best friend niya. "Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya. "Yea, oo naman. Tara na?" yaya ko sa kanya. Kumapit siya sa braso ko kaya napatingin ako sa kanya. Nginitian niya lang ako at naglakad na kami papunta sa kotse ko. Napangiti na lamang din ako. Nag-drive na ako pero naipit kami sa traffic. "Sis, alam mo sayang ka. Gwapo mo pa naman kaso bakla ka," Meredith said out of nowhere. Tiningnan ko siya na naglalaro sa kanyang iPhone. "You think so?" Natatawang sabi ko kaya nag-angat siya ng tingin sa akin. "Oo. Crush nga kita noong una, e. Kaso naisip ko na much better kung i-friendship na lang kita." "Bakit naman?" Napakunot ang noo ko. Bumalik ang tingin niya sa kanyang nilalaro. "Kasi mukhang mas masarap kang maging friend. Masarap kasama." Hindi na ako nagsalita at ngumiti na lamang. Nang makalusot sa traffic ay mabilis na naming narating ang mall. Nag-park lang ako at naghanda na sa pagbaba. "Nandito na—" Natigilan ako dahil pagsulyap ko kay Meredith ay natutulog na pala siya. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya. Unang kita ko pa lang kay Meredith noon sa mall ay sobra na akong nagandahan sa kanya. Kaso sa pag-uusap pa lang namin noon, alam kong hindi syia ’yong tipo ng babaeng dapat niloloko. She's really one of a kind. Gusto kon g mapalapit sa kanya. Masaya siyang kasama at masarap kausap. At natutuwa ako kasi ganoon din ang nararamdaman niya sa akin. We can really be good friends. I felt comfortable with her that's why mas pinili kong kaibiganin siya kaysa isama sa listahan ng mga babae ko. Nakita ko siyang kumilos kaya napaayos ako ng upo. "Where are we, sis?" tanong niya habang nagkukusot ng mata. "Nandito na tayo." Bumaba na kami at dumiretso sa loob ng mall. Pumasok kami sa loob ng isang dress shop. "Ano bang maganda, Meredith? Any suggestion?" May kinuha siyang isang dress at itinapat sa katawan ko. Natawa ako sa ginawa niya. Akala niya ako ang magsusuot? "Perfect!" Binayaran na namin ’yong dress na napili niya at nag-ikot-ikot muna saglit sa mall. "Sis, tingnan mo. Ang cute nung isa, ’di ba?" sabi niya at itinuro ang isang grupo ng mga lalaki. "No they're not," tanging sagot ko at ngumuso siya. "Cute kaya. Ikaw talaga! Ang taas ng standards mo. Kailangan talaga kasing gwapo ni Jethro?" biro ni Meredith. "Tumpak! Wit ’yang mga low life creatures like them." Pagsakay ko sa sinabi niya. "Grabe ka sis—" "Hi!" Sabay kaming napatingin ni Meredith sa nagsalitang lalaki. "Yes?" Pabebe na sabi ni niya. "Can I get your number?" sabi ng lalaki kay Meredith. "Oh, sure—" Hinawakan ko ang kamay ni Meredith kaya natigil siya. "Can't you see she's with me? Back off dude!" Mabilis na bigong umalis ang lalaki. Tiningnan ako nang masama ni Meredith at binawi ang kamay niya. "Why did you do that, sis? He's a good catch!" reklamo niya. Good catch? "Ew! You know what, sis, I never thought na ganyan pala kababa ang taste mo," sabi ko na nagbakla-baklaan ang boses. "Cute naman ah?" depensa niya. "Hell no! Yuck! Kapag hindi ko bet ang nalapit sa iyo, magpapanggap akong jowa mo, okay?" —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD