LUNES ng umaga naging seryoso at tahimik ang lahat sa harap ng pagkain. Nabasag lang ’yon nang umupo si Bryan sa kanyang puwesto at nagsalita. “Where’s Cristina? Why she don’t have here?” tanong ni Bryan. Habang ang mga mata nakatingin sa bangkong inuokapa ng dalaga. “Ewan ko nga po sa batang ’yon. Umuwi kagabi, gabing-gabi na saka nanginginig ang katawan at inaapoy ng lagnat,” si Aling Melba ang sumagot. Saka tiningnan si Michael na parang naroon ang sagot. Maging si Bryan napatingin din kay Michael. Nababakas sa mukha nito ang pag-aaalala sa dalaga. “Bakit, dela Torre, naulanan ba si Cristina? Kaya nagkasakit.” Isang masamang tingin ang ibinigay niya sa binata. Sasagot sana si Michael nang biglang sumingit si Dante na may ngisi sa labi. “Baka nadiligan, boss.” “F*ck, Soriano,”