Sabagay gwapo naman talaga si Jude, doctor pa siya at mukha rin naman mabait. naisambit ko habang naglalakad palayo kila Mom at Dad.
Alam kong napansin nila ang paglapit ko sa kanila ng magparinig sila tungkol kay Jude. Nginitian ko nalang sila Mom at Dad matapos ko silang halikan upang ako ay makapagpaalam.
Aalis kasi ako at tutungo sa mall upang mamili ng ilang gamit ko. Wala na pala akong lipstick at face powder na madalas kong i-apply sa aking mukha. Simple lang ako magmake-up at mag-ayos ng hindi nakakaumay naman tingnan. Minsan powder lang at bahagyang manipis na lipstick ay ayos na sa akin.
Wala naman akong boyfriend o kaya ay manliligaw na siyang kailangan ko pagpagandahan.
After ko madaanan sila Mom and Dad tumungo na ako sa labas at sumakay sa aking kotse. “Apple, saan punta mo?" Sigaw ni Mommy na kumakaripas ng takbo papalapit sa hindi ko pa nastart na kotse ko.
“Sa Mall po! May bibilhin lang. Bakit po?" Naitanong ko ng makalapit na si Mommy sa bintana ng kotse na akin ng nabuksan ng marinig ko siyang sumisigaw at makitang tumatakbo.
“Ganuon ba?" aniya ni Mom.
Tumango ako at ngumiti sa kanya. “Opo!"
“May ipabibili ka ba Mom?" Tanong ko.
“Wala naman. Tumawag kasi si Tita Juliet mo pinadadaan ka sa bahay nila."
“Po?" Naibulalas ng magulat ako.
Bakit naman?
Bakit ako dadaan sa bahay nila?
Anong gagawin ko ron?
Sunod-sunod ko pang naitanong na pabulong ng sumagot si Mommy. “Natuwa raw kasi siya sayo at nais kang makilala pa ng lubusan. Baka raw pwede kang dumaan sa bahay nila?"
Bakit?
Para saan kaya at nais niya pa akong kilalanin ng lubos?
Muli ay napabulong ako ng mukhang nakukuha ko na rin ng dahil umpisa pa lang napansin ko na ang pagkagusto niya na mapansin ako ng anak nitong si Jude.
Ang anak niyang doctor na sa tingin ko naman ay marami na ring babae ang dumaan. Sa gwapo niya posibleng walang babae ang nahuhumaling at humahabol rito.
“Sige, Mom. Text niyo nalang sa'kin yung address ng daanan ko nalang bago ako umuwi after ko sa mall. Bibili na rin ako ng cake sa mall na dadalhin ko sa bahay nila. Nakakahiya naman na wala man lang akong dala at pupunta ruon." Aniya ko kay Mom ng may malakas na sumigaw habang nag-uusap kami ni Mom.
“Apple, huwag ka ng bumili. Ito nalang ang dalhin mo kila Juliet at Romeo. Tiyak na magugustuhan nila ito at paborito ito ni Juliet at nang anak nilang si Jude." Masigla at may tuwa sa pagsasalita ni Dad.
“Ready talaga? Ano ba ito plano at pinaghandaan ninyo?"
Maging ako ay napatawa ng tanungin ko sila. Tinitingnan ko sila ni Mom at habang si Dad napahawak sa ulo ng mairap yung mata ko.
Talaga naman sila dalawa. Mukhang mapapasubo ako nito mula sa kanilang ipinadadala. “Okay, akin na po." Sabi ko ng abutin at ipasok sa kotse ko.
“Kayo ba walang balak sumama?" Tanong ko pero nginitian ko sila at biniro saka natawa ng malakas si Dad ng makuha ang biro ko rito at sinabi sa kanya.
“Basta, Apple maging mabait at gandahan mo pakikipag-usap sa kanila. Apple, baka andon si Dok Jude. Ikamusta mo nalang kami ng Mommy mo." Anito ni Dad at biniro pa muli ako saka ako nagpaalam ng mapaandar ko na ang makina ng aking sasakyan.
“Sige po! Aalis na ako. Dad, maging mabait ka kay Mommy ahh! Behave ka lang." Aniya ko at pinaharurot ko yung kotse palabas ng gate. Habang sa side mirror ay sinisilip ko silang dalawa habang nababakas ang saya sa kanila.
Akala ko ba walang pilitan na mangyayari? Pero sa kinikilos nila may mga nais silang mangyari. Napapailing na napabusina ako ng malakas.
Shit! Ano bang nangyari at hindi ko agad napansin ang kotse na nakahinto sa gitna ng kalsada.
Bumusina ako. Isa, dalawa at sa pangatlong beses ay nilakasan ko na. Sunod-sunod kung hindi pa mabingi ang driver at may-ari ng nakakasagabal na sasakyan na ngayon ay nasa harap ng kotse ko.
Ano bang problema nito? Bakit nakahalang siya sa dadaanan ko?
Bumusina pa muli ako at sa wakas ay bumaba na ang lalakeng naroroon at sakay ng itim na sasakyan.
Jude Almoro? naisambit ng makita ang seryoso pero gwapo pa ring mukha nito.
Naglakad ito papalapit sa kotse ko at sa bintana ng driver seat kung saan ako nakapwesto kinatok ako nito. “Hi!" Anito.
“Bakit naririto ka?" Tanong ko.
“Bakit nakaparada yung sasakyan mo riyan? Daan yan hindi mo ba alam?" Mataray na aniya at sinabi ng sitahin ko ang kanyang pang-aabala mula sa pagparada ng kanyang sasakyan ng wala sa lugar.
“Sorry!" Manipis na sagot nito.
“I'm waiting for you to come out of your house. Actually kangina pa nga ako rito sa labas after ko mag-out sa hospital. Dito na ako dumiretso para abangan kang lumabas. Sakto pala at lumabas ka na." Anito at nakangiti pang tiningnan ako sa mukha ng sumilip at ilapit ang mukha sa bukas kong bintana.
Ano bang problema nito? Para lang siyang sila Dad. At anong dahilan at kailangan niya pang antayin ako rito habang lumalabas sa bahay namin?
“I am sorry! Nabigla ka ba?"
“What?" I asked
“Nothing! At least nakita kita." Anito sabay kumindat at lumakad na pasakay sa sasakyan niya.
Ang labo! Baliw na ata. Bulong ko ng panuorin lang ito na lumalayo at sumakay sa sasakyan niya.
Itinabi na nito yung car niya at ako naman ay dumaan na sa bahagi kung saan siya kangina nakaparada
Mababaliw na ata ako sa sunod-sunod na nangyayari sa akin ngayon. Nang biglang napapreno ako ng may biglang hinto na sasakyan sa harap ko.
“Sorry, Miss. Nasiraan yung sasakyan ko. Igigilid ko lang para makaraan ka. Pasensya talaga." Anito ng lalakeng may-ari ng sasakyang nasira.
Puro nalang kamalasan ang nangyayari sa akin mula ng lumabas ako ng bahay. Kangina may aso na muntikan ko ng mabangga ng biglang tawid habang naghahabulan ng kasamang aso rin.
Kahit aso nagiging istorbo sa lakad ko. At humaharang sa daraanan ko. Kaasar! Naibulalas at nagfocus nalang ako sa pagmamaneho.