CHAPTER 5

1135 Words
“Mom!" naibulalas ko habang nagmamaneho at tumunog yung cellphone. Kinuha ko yun at nagflash yung name ni Mommy. Si Mommy na naman. Bakit naman kaya? “Apple, dumaan rito si Jude. Hindi ba kayo nagkasalubong? Pagkaalis mo siyang pagdating ni Jude rito sa bahay." Dire-diretso na salita ni Mommy. “Itinanong ko nga kung hindi ba kayo nagpang-abot sa daan?" “Mom, malapit na ako sa Mall. Magpark na ako ng car ko sa parking lot. Mamaya nalang po natin pag-usapan iyan pagmakauwi na ako." Sagot ko sa kanya ng papakabig na ako papasok sa parking area. “Okay sige, nabanggit ko naman kung saan ka papunta." Sabay tumawa si Mom. “What?" Bulalas ng bibig ko. Nagulat ako ng sabihin ni Mom kay Jude kung saan ako patungo. “Mom, kailangan bang sabihin mo pa kung saan ako papunta?" Napabuntong hininga ako sa inis at ang sabi pa ni Mom ay papunta na rito si Jude para sa samahan ako at nabanggit raw rin niya rito na patungo ako sa bahay nila. Grabe talaga si Mom, ginugulat ako sa mga ginagalaw nito. Akala ko ba walang sapilitan. Pero bakit sa nakikita ko ngayon ay inilalapit nila sa akin si Jude. Baka sa susunod may kasama ng pamimilit at pangungumbisi na mapangasawa ko si Jude. Napasinghap ako at napatawa sa mga naiisip at naglalaro sa utak ko. Sa nararamdaman ko ngayon ay duon na papunta ang mga kakaibang kinikilos nila ni Daddy. Sa mga pagpaparinig pa nga lang nila madalas sa tuwing dadaan ako o matatanaw. Ramdam ko na may iba sa mga kilos nila. “Mom, sige na later nalang po at naririto na ako sa mall." aniya ko kay Mom ng magpaalam ako na ibaba ko na ang tawag nito. “Okay! Asikasuhin mo si Jude at huwag mong tarayan." Tapos ay tumawa na naman siya at napahagikhik pa sa lakas. “Mom!" aniya ko. “Sige na at baka andiyan na rin siya sa Mall. Sabi ko dalian ng maabutan ka niya riyan. Mahirap kasi ang hindi kayo magkita at magmahanapan pa kayo sa lawak ng Mall. But don't worry Apple my dear. Dahil ibinigay ng Daddy mo ang iyong cellphone number ng sigurado raw kayo magkita riyan." Tapos narinig ko na naman na tumawa si Mom habang nagsasalita at sumabat na rin si Dad. “My dear Apple, make sure na maging mabait ka sa aming Doctor Jude. Hindi na masama ang maging manugang namin ay isa pa lang doctor. Palagay ko ay na love at first sight yung batang yon sayo. Sa nakikita ko ay tila gusto ka ni Jude. Tiyak na matutuwa ang Tita Juliet mo at sa nakikita ko rin ay na love at first sight rin yon sayo at gustong-gusto ka para sa anak nilang si Jude. Kung magkakagustuhan nga lang kayo at magugustuhan mo si Jude. Bakit hindi? Unang-una pa kami ng Mommy mo na matutuwa na makita na si Jude ang mapili mong mapangasawa." Anito ni Dad habang si Mommy naririnig kong gumagatong sa sinasabi ni Dad habang kausap ko sila. Heto na nga ba sinasabi ko! Napahinga ako, napasinghap at sa huli ay natawa nalang sa mga pinagdadaldal ng parents ko. Oo at nag-iisa akong anak at ngayon ko lang sila nakitang dalawa na magkainteres sa isang lalake para sa akin. Nakagat ko pa pang-ibaba at pang-ibabaw kong labi habang napapaisip at nakikinig lang sa mga idinadaldal ng parents ko. “Sige na Mom, Dad at bababa na ako sa car. Papasok na ako sa Mall ng mabili na yung bibilin ko rito na siyang sinadya ko. Mamaya nalang po tayo na magkwentuhan, oras na mauwi na ako." Umiwas nalang muna ako sa usapan na pinagdadaldal nila at baka abutin pa ako ng santong katutak na oras sa pakikinig sa mga sinasabi nila. Sa tingin ko ay marami pa silang sasabihin kung hindi ko pa ibababa ang tawag ni Mom. “Okay! Ingat ka nalang at baka mamaya ay tinatawagan ka na pala ni Jude. Kaya't ibababa na namin ito ng kayo naman makapag-usap na dalawa. Sige my dear Apple. Sana ay si Jude na ang lalakeng para sayo." pahuling sinabi pa ni Dad sa akin habang ibinababa ko na at pindutin ko na sana ang end call button sa cellphone ko. “Okay! Huwag kayong masyado magsaya ni Mom, Dad. Dahil baka mamaya madismaya lang kayo at hindi pala ako gusto nung tao." Aniya ko sa kanilang dalawa at saka ko na ibinaba at pinutol ang tawag ni Mom. Natapos rin, inalis ko na ang ang pagkakaseat belt sa katawan ko at inabot ko sa likod yung hand bag ko. Duon ko pala naihagis kangina ng di ko makita mula sa passenger seat sa kabilang side ko. Sa pag-angat ng mukha ko at mapalingon nagulat pa ako ng isang lalakeng ngiting-ngiti ang siyang matanawan ko at kakatok na sana sa bintana sa gilid ko. Inaninag ko siya at nagulat na naman ako ng makilala kung sino siya. Nasinghap ako at mapagsino. Si Jude Almoro ang kangina lang ay pinag-uusapan namin nila Mom at Dad na ngayon ay nasa harapan ko na agad. Ang bilis naman at papaano niya nalaman na nasa parking lot pa ako? “Hi!" anito ng mabuksan ko yung bintana at harapin ito. “You're parents told me that you came here. Sabi rin nila na sundan nalang kita rito. I just asked them at dito nila itinuro na tutungo ka. So, maaari ba kitang samahan? Kung okay lang sana sayo. I just wanted to join you. If it's okay with you. Baka pwede na samahan na kita na mag-iikot-ikot sa loob." “Wala naman akong balak mag-ikot. Actually may bibilhin lang ako kaya ako napunta rito. Pero mag-ikot?" Napatawa ako. Abigail ano't natawa ka pa? Nabubuwang na ata ako at sa itsura ng lalakeng nasa harap ko at ayaw maalis ang ngiti at titig niya sa mukha ko. Para na tuloy ako napapraning sa mga nararamdaman ko ngayon. Bigla nalang kasi ako nakaramdam ng pagkailang at bumilis ang t***k ng puso ko ng tila ba nahiya ako bigla sa mga inusal pa niya. Magyaya nalang andami pa siyang segway at di ko makuha kung serious o nagbibiro lang ba siya. “Bumaba ka na, kumain muna tayo bago tayo mag-ikot." Aniya pa nito at binigyan daan ako para sa pagbubukas ko ng pinto ng car ko. Hindi pa naman ako pumapayag sa kanyang alok pero sa tingin ko na tila ba sigurado na siyang papayag ako. Bahala na nga at binuksan ko na ang door ng car ko at bumaba. Bahala na, kung saan patungo itong pagyayaya niya at pagsama ko sa kanya. Kasalanan ito nila Mom at Dad. Aniya ko ng naibulong ng sumabay na ako sa paglalakad sa kanya papasok sa loob ng malamig na Mall.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD