Elizabeth Cruz's POV
"EVERYONE, I'd like you to meet our new Advertising Assistant, Miss Elizabeth Cruz."
Ngumiti ako sa lahat at kumaway bago yumukod ng bahagya kahit pa kinakabahan ako. Puro bagong mukha ang nakikita ko at ang ilan sa kanila ay parang labag sa loob na makilala ako. "Maraming salamat po sa inyong lahat. Masaya akong makatrabaho kayong lahat."
Iba't-ibang klase ng pagtanggap ang natanggap ko, may mga masasaya, may ibang walang paki at may iba namang hindi maikakailang may pagkadisgusto sa akin, pero tulad ng lagi kong ginagawa ay hindi ko sila binibigyang pansin dahil masaya ako sa natanggap kong promotion mula sa aking boss. Isa na rin siguro itong dahilan para husgahan nila ako dahil isa lamang akong High School Graduate.
Mabait naman ang bago kong boss na si Mr. Errol Matabungkay, ang Advertising Manager, pati na rin ang iba at talagang nangangapa pa ako sa bago kong trabaho pero naging mabait naman ang mga kasamahan ko sa pagtuturo sa akin. Hindi rin nawala ang ilang parinig na hindi ko binibigyan ng pansin.
Lunch break ay katatapos ko lang kumain nang makatanggap ako ng isang private mail. Nang buksan ko ito ay napakagat labi ako nan makitang kay Godric ito nanggaling. Pinapaakyat niya ako sa opisina niya para batiin siya. Mukhang tama nga ang hinala ko na siya ang may kagagawan kaya ako inilipat.
Dumiretso na lang daw ako sa loob dahil wala ang sekretarya niya. Napabuntong-hininga ako bago binura ang message at tumayo na. Nagpaalam lang ako sandali sa kanila na magpupunta sa Restroom bago dumiretso sa elevator. Mabuti na lang at wala akong nakasabay kaya malaya akong nakarating sa Top Floor. Pagbukas ng elevator ay tumambad sa akin ang makintab na sahig. Gawa ito sa itim na marble. Napansin kong kumpara sa floor namin ay tatlong kulay lamang ang buong floor. Red, black at white. Ang mga paborito kong kulay.
Hindi ko naman ito binigyang pansin at tuloy-tuloy na naglakad papunta sa Glass Door na nasa pinakadulo. Kitang-kita ko na ang bakanteng mesa ni Godric kaya naman nagtaka ako.
Tulad ng sabi niya ay pumasok na ako at takang iniikot ang mata sa harapan ko dahil hindi ko sya makita. Bahagya na lang akong napatalon nang makarinig ako ng tunog. Nang ilibot ko ang paningin ko ay nakita kong unti-unting natatakpan ng bakal ang mga salamin.
Bahagya na lang akong nakaramdam ng paghila at ang biglang pagsandal sa pinto. Napaungol ako sa sakit at napapikit dahil sa bahagyang pagtama ko rito. Nang imulat kong muli ang mga mata ko ay natagpuan ko ang sarili kong nakatingin sa mga mata niya. Mga mata niyang hindi ako nagsasawang titigan noon... hanggang ngayon.
"Masakit ba, Darling? Sorry. I just thought that if you love giving someone so much pain then you will love receiving one too." he said huskily while licking his lips.
Napasinghap na lang ako nang inangat niya ang isa kong hita at ipulupot ito sa baywang niya at lalong hinapit palapit sa katawan niya kaya naman lahat ng parte ng katawan ko ay nakadikit sa kaniya. Ramdam na ramdam ko ang init na nagmumula mula sa katawan niya.
Nang akmang hahawakan niya ako sa likuran ay pinigilan ko na ang kamay niya.
"`Wag mong gawin 'to, please." mahinang pakiusap ko sa kanya.
"Why not? We've done this many times before, right?" nakangising sabi niya at napapikit na lang ako nang ilapit niya ang mukha niya sa leeg ko at samyuhin ito. "You still smell so good. I wonder… will you still scream my name when you come with me inside you?"
Pinikit ko nang mariin ang mga mata ko. "Please.. Godric. Ayoko nito." pikit-matang pakiusap ko sa kaniya.
Natigilan siya at parang binuhusan ng malamig na tubig. Binitawan niya ako at mariing tinitigan sa aking mga mata na para bang may hinahanap na sagot.
"You've changed so much, Beth." sabi niya sa tonong... malungkot? Pero bakit siya magiging malungkot? Hindi ba't galit siya sa akin?
Sabay ng pagtalikod ko sa kanya ay ang pagbagsak ng luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Hindi lang ako ang nag-iba, Godric. Hindi na kita makilala. Hindi na ikaw 'yung lalaking nakilala ko noon."
Bago lumabas ay natigilan ako sa sunod niyang sinabi.
"Maybe because you're the reason behind it. You changed me."
Isang linggo matapos akong malipat sa V.E.C ay naging maayos naman ang lahat pwera kay Godric. Mababait naman ang mga bago kong kasamahan pero syempre, mas komportable pa rin ako sa mga naging kaibigan ko na sa dati kong kumpanya. Wala rin namang pinagkaiba halos ang bago kong trabaho dito.
Si Godric? Matapos ang pangyayari noon ay hindi ko pa siya nakikita ulit. Nakapagtataka oo, pero mabuti na rin iyon dahil hindi naging maganda ang huli naming pag-uusap. At hanggang ngayon ay inis pa rin ako sa ginawa niya sa kawawang si Kirt! Wala namang ginagawang masama iyong tao pero tinanggal niya! Hindi man lang inisip na may pamilya itong sinusuportahan.
Si Kirt ay isa sa mga kasamahan ko na naging mabait at malapit sa akin kahit na bago pa lang ako rito, ngunit ito rin pala ang magiging mitsa ng huling araw niya nang bigla na lamang siyang tanggalin ni Godric.
Kung alam lang niya.. kung alam lang niya ang totoo.
Sa ngayon kasi, may mga bagay na mas makabubuting hindi na lang sabihin. Past is past ika nga. Ayokong mabuhay pa kami sa alaala ng nakaraan gayung alam ko na hanggang ngayon ay may galit pa rin siya sa akin.
"No way!"
Natigilan ako sa pagkain nang marinig ko ang malakas na bulalas ng babae sa katabi lang naming mesa. Nang palihim ko silang sulyapan ay samahan pala ito ng mga secretaries at assistants.
Muli kong ibinaling ang atensyon ko sa pagkain dahil hindi naman ako tsismosa. Tumingin ako sa mga kasama kong kumakain at ang iba sa kanila ay patuloy lang sa pagkain ang iba naman ay may sariling mundo.
"Masarap ba? Malaki ba si Sir?" bungisngis na tanong uli ng babae sa katabing mesa na bahagya kong ikinaubo. Mabuti na lamang at napainom kaagad ako ng tubig.
Grabe ha! Dito talaga pag-usapan ang mga ganoong bagay?
"Hay girls hindi ko ma-explain. Sobrang wild niya at nang matapos kami ay lantang gulay na ako. Halos lahat yata ng parte ng katawan ko ay may marka niya. Halos hindi ako makatayo at hanggang ngayon ay ramdam ko siya sa loob ko. Bagay na bagay sa kaniya ang pangalan niya, isa siyang God sa kama." malanding sabi naman ng babae sabay hagikgik.
Sa narinig ay parang may kamay na bakal na pumisil sa puso ko pero hindi ko iyon pinahalata sa mga kasamahan ko. Muli akong lumingon para tignan kung sino ang nagsalita at nakita ko ang isang babaeng may matingkad na pulang buhok.
"Grabe. Magpakulay na rin kaya ako ng pulang buhok!" eksaheradang sabi ng isa.
"Hindi lang naman sa buhok 'yan girl. Dapat sexy and pretty ka rin." bungisngis na sabi ng pulang buhok na babae.
Ibinaba ko ang kusara't tinidor ko dahil sa pakiramdam na nawalan ako ng gana. "Excuse me guys. Mauna na ako sa inyong bumalik ha?" paalam ko sa iba at tumango naman silang lahat. Bitbit ang tray ay nadaanan ko ang mesa ng mga haliparot at inilagay ito sa counter.
Habang naglalakad pabalik sa taas ay hindi ko maiwasang isipin ang mga narinig. So, totoo nga pala na playboy siya at kung kani-kaninong babae pumapatol. Base sa narinig ko ay gusto niya ng mga redhead. Ayaw ko mang mag-assume na ako ang dahilan pero may parte ng isip kong alam ang totoo.
Bakit? Because I used to be a redhead too.
Noong kami pang dalawa ay laging pula ang buhok ko at gustong-gusto niya ang kulay nito noon habang pinaglalaruan ito o inaamoy-amoy.
Umiling ako para mapalis iyon sa isip ko at nang magbalik ako sa ulirat ay nakita ko ang papasarang elevator. Binilisan ko ang lakad at pinigilan ang pagsara nito pero natigilan ako nang makita ko siya. As usual ay blanko ang mukha niya at nang maalala ko ang pinag-uusapan ng mga babae sa cafeteria ay mas lalo akong natigilan.
Ihahakbang ko na sana ang isa ko pang paa pero tumigil ako. Nakita ko kung paanong nagtagis ang mga bagang niya at ang mga mata niya ay may halong panunumbat at hinanakit bago tuluyang sumara ang elevator.
Napapikit ako at napakagat sa labi. Hindi ako sumakay kasama siya hindi dahil sa mga narinig ko kung hindi dahil sa mga tingin niya. Hindi ko kayang makasama siya sa isang lugar na kaming dalawa lang.
"SAAN KA BA nagpupunta ha, Skye? Ilang araw na akong umuuwi na hindi kita naaabutan at umuwi ka ay gabing-gabi na." tanong ko isang gabi habang kumakain kami ng kapatid kong disi-otso anyos na si Skye. "At kailan mo pa kinulayan ng pula iyang buhok mo?"
Inikutan niya ako ng mga mata. "Ate, malaki na ako. Hindi ko na kailangang ipagpaalam sa'yo lahat ng lakad ko." paanas niyang sagot.
Napabuntong-hininga na lang ako. "Skye, tayong dalawa na lang ang magkasama. Alam mong hindi kita pababayaan, alam ko ang likaw ng bituka ng mga kabataang lalaki ngayon. Skye, kung gumagala ka lang sige hindi kita pipigilan pero sana ay hindi ka gumagawa ng bagay na pagsisisihan mo."
"Alam ko ang ginagawa ko, Ate. Hindi mo na ako kailangang pangaralan."
Napabuntong-hininga na lang akong muli sa inasal ng kapatid ko at napailing. Sana nga ay wala siyang ginagawang ikasisira ng kinabukasan niya.
Sa mga sumunod pang araw ay ganoon pa rin ang nangyari. Papasok siya sa umaga, gagala sa gabi at God knows kung sino ang mga kasama niya dahil wala namang sumusundo sa kaniya. Sa tuwing tatanungin ko naman siya ay hindi siya sumasagot.
Hanggang sa isang araw na galing ako sa trabaho ay naabutan ko siyang umiiyak sa hardin.
Lumapit ako sa kaniya at naupo sa tabi niya. "Bakit ka umiiyak, bunso?"
"A-ate.. ayaw na niya sa akin. P-pinaglaruan lang niya ako." sumbong niya sa pagitan ng pag-iyak niya.
"Sino?"
"S-si Godric Villatierra."