Kabanata 3

2275 Words
Elizabeth Cruz's POV Iba na siya. Ibang-iba na siya mula noon. Hindi ko na siya halos nakilala. Wala na 'yung lalaking mahiyain, takot sa sasabihin ng ibang tao at ang mabait na Godric na nakilala ko noon.  Gigil kong pinahid ang mga luhang bumabagsak mula sa mga mata ko. Bakit ba ako umiiyak? Hindi ba't kasalanan ko naman talaga ang mga nangyari? Kaya wala akong ibang masisisi kung hindi ang sarili ko.  Kung alam mo lang ang totoo, Godric. Kung alam mo lang.  Isang hikbi ang kumawala sa akin kahit na pilit ko itong pinipigilan. Tinakpan ko ang bibig ko para walang ibang makarinig sa akin. Ayokong makita ako ng mga kasamahan ko sa ganitong kalagayan dahil alam kong magtatanong sila at hindi ako handang sagutin sila at balikan ang nakaraan. O mas tamang sabihin na ayokong balikan ang nakaraan. "You won't let go of my hand, right?"  "Oo naman, pangako. Basta't higpitan lang natin ang kapit natin sa isa't-isa ay malalagpasan natin itong lahat ng magkasama. Hinding-hindi kita iiwan, Beth. Palagi akong narito sa tabi mo sa oras na kailangan mo ako." Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti habang malayang tinatangay ng hangin ang buhok niyang kulot. Ang buhok niyang ikinahihiya niya at ilang beses niyang tinangkang ipagupit pero pinigilan ko siya dahil para sa akin, wala siyang dahilan para ikahiya ito dahil isa ito sa mga bagay na dahilan kaya ko siya minahal.  His flaws, his strengths, his everything. I love everything about him. Hindi ko alam kung bakit ayaw sa kaniya ng iba at kung bakit nilalayuan nila si Godric gayung napakabait niya.  Pinisil niya ang kamay ko at dinantayan ng isang halik ang aking labi bago kami sabay na tumitig sa magandang tanawin ng bundok. Inaya niya akong dumalaw sa Hacienda nila at napagpasyahan naming mamasyal sa bundok, kaya naman heto kami at nakatingin sa magandang tanawin sa baba mula sa bundok na makikita ang malalagong mga puno, ang batis at alon at ang papalubog na araw.  "Mahalaga ka sa akin." Rinig kong bulong niya sa akin kaya naman nakangiti akong lumingon sa kaniya dahilan upang magkalapit ang aming mga mukha.  "Mas mahalaga ka sa akin." Pagkasabi noo'y ako na mismo ang naglapat ng aming mga labi.  Ilang taon na rin ang nakakaraan at sa tuwing babalikan ko ang nakaraan ay ang aming masasaya at matatamis na sandali lang ang mga naaalala ko. Pilit kong binabaon sa limot ang mga malulungkot dahil gusto kong alalahanin na minsan ay may nagmahal sa akin ng labis-labis at kahit na kailan ay hindi na ito mapapalitan o mahihigitan pa ng kahit na sino man.  "Nakita mo ba si Sir Godric nung umalis? Parang kakain ng tao, 'no? Bakit kaya? Nag-away siguro sila ni Sir Jasper."  Natigilan ako sa narinig kong boses sa labas ng cubicle at nag-desisyon na iayos ang sarili. Kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ang mga mata ko.  "Hindi ko alam. Pero kung kakain lang din siya ng tao, pwede bang ako na lang? I'm more than willing." Malanding sabi ng isang babae na pamilyar sa akin ang boses, ngunit hindi ko maalala kung sino ito.  "Ay gusto ko 'yan! Tara na nga girl."  Papalayong tunog ng mga high heels nila ang narinig ko kaya naman inayos ko na ang damit ko at saka lumabas. Tumingin muna ako sa salamin at bahagyang napangiwi nang makita ko ang namamaga kong mga mata at pamumula ng ilong. Binuksan ko ang gripo at naghilamos ng mukha para mahimasmasan. Nang matapos ay kumuha ako ng paper towel at pinunasan ang mukha at mga kamay ko. Dahil hindi naman ako palalagay ng make-up ay medyo halata pa rin ang pamamaga ng mga mata ko, pero nang tignan ko ang relo ko at makitang sampung minuto na pala akong wala ay wala na akong nagawa kung hindi bumalik sa opisina dahil ayaw kong mapagalitan ng boss namin. Bahagya akong nakayuko para iiwas ang mukha ko sa mga nakakasalubong ko. Pagdating sa office ay agad akong naupo sa harap ng mesa ko at inabala ang sarili sa trabaho. Oras ng meryenda ay tumawag sa akin ang secretary ni Mr. Marriott para sabihing pinapatawag ako ng boss niya, kaya naman agad naman akong kinabahan dahil baka kinausap siya ni Godric para patalsikin ako sa trabaho. "Punta lang ho ako sa taas, boss. Pinapatawag ako ni Mr. Marriott." Magalang kong paalam sa nakatatanda naming boss na si Mrs. Lee.  "Sure, Elize. Take your time." Nakangiti naman niyang sabi.  Tumango ako at bahagyang ngumit bilang tugon at lumabas na. Habang lulan ng elevator ay napakaraming tanong ang tumatakbo sa aking isipan. Halo-halong emosyon din ang nararamdaman ko. Paano kung nandoon pa siya? Pero narinig ko kanina ay umalis na siya. Hindi ko maiwasang makahinga ng maluwag dahil hindi pa ako handang harapin siya ulit. Pilit kong kinakalma ang sarili ko habang tinatahak ang daan papunta sa dulong pinto kung saan ang office ng CEO.  Sana naman ay mali ang sapantaha ko dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung tatanggalin nga ako sa trabaho. Para isang high school graduate na kagaya ko ay napakahirap maghanap ng trabaho sa panahon ngayon. Lalo na at ang tataas ng standard ng mga kumpanya, ngunit ang baba naman ng sweldo. Palapit pa lang ay nakita ko na si Judy, ang secretary ni Mr. Marriott at hindi ako bulag para makitang plastic ang ngiting pinapakita niya. Iilan lamang ang kasundo niya sa buong building dahil kilala siya bilang mataray at sipsip sa mga boss. Iyan ang sabi nila.  Isang pilit na ngiti ang pinakawalan ko habang magkasiklop ang mga kamay sa harapan. Hindi ko naiwasang mapansin ang kulay pula niyang buhok. "Hello. Ako si Elizabeth Cruz at pinatawag daw ako ni Sir."  Tinignan muna niya ako mula ulo hanggang paa at ngumisi bago pinindot ang intercom. "Sir, Ms. Cruz is here."  Hindi ko na lang binigyang pansin ang tingin at ngisi niya. "Send her in." Pormal na sagot ng pamilyar na tinig ni Mr. Marriott. Napalunok naman ako dahil ito ang kauna-unahang beses na makakausap ko ito sa dalawang taon kong pagta-trabaho dito. Ako na isa lamang simpleng office worker ay makakausap ang isang CEO? Ang may-ari at pinakamataas na tao sa kumpanya? Pero sabagay, isa rin siyang kaibigan ni Godric kaya hindi ako magtataka kung kilala niya ako.  "Pasok ka na." Isang tango lang ang isinagot ko sa kaniya, hindi dahil sa hindi ko siya gusto, kung hindi dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman ko.  Kalma, Elize. Kalma ka lang. Hindi ka tatanggalin, okay? Bulong ko sa isipan ko habang nasa harap ng malaking pinto.  Kumatok muna ako ng tatlo bago binuksan ang glass door. Bumungad sa akin ang leather couch at magandang designs ng office at ang mga nakasabit ng ilan sa mga pinakasikat at kumitang pelikula at drama ng aming istasyon. Kabilang ang mga talaga namang sumikat na artista. Nagulat naman ako nang biglang may tumikhim. Lumingon ako sa mahogany desk ni Sir Jasper at nakita ko ang nagtataka pero nakangiting mukha niya. Bahagya naman akong nakaramdam ng pamumula ng mukha dahil sa pagkapahiya. Masyado kasi akong namangha sa hitsura ng office niya kaya siguro mukha akong tangang nakatulala. "Sorry po, Sir." Nakayuko kong hinging paumanhin sa kaniya at lumapit sa harap ng desk niya. "It's okay. Have a seat, Miss Cruz." malumanay niyang sabi. Kilala si Jasper Marriott bilang mabait at magaling na CEO sa buong industriya ng entertainment. Sa batang edad ay naging sikat na siyang direktor hanggang sa pinalitan niya ea pwesto ang kaniyang ama sa pamamahala. "Salamat po." Naupo na ako sa isa sa dalawang upuan na nakalagay paharap sa mesa niya. Pilit kong pakalmahin ang sarili ko sa pamamagitan ng pagkagat sa labi o hindi kaya naman ay pagpisil-pisil sa kamay. Pakiramdam ko anumang sandali ay sasabog na ako sa kaba. "Don't be nervous, Miss Cruz. Hindi naman ako nangangain ng tao."  Dahil na rin siguro sa sobrang kaba ay hindi ko naintindihan ang sinabi niya at nakaramdam ako ng panic. "Pero bakit po?!" pabigla kong tanong sabay tayo.  Lumarawan ang pagkagulat sa mukha niya dahil sa sinabi ko at sa pagtayo ko. Maya-maya ay tumikhim siya at tila nagpipigil ng tawa habang ako naman ay nahihiyang yumukod.  "I'm so sorry, Sir. Kinakabahan lang po talaga ako."  "No, no, no! It's completely fine. Sit down, please. Wala ka namang dapat na ikakaba." Natatawang sabi niya kaya naman bahagyang nawala ang kabang nararamdaman ko at muling naupo, pero sa pagkakataong ito ay hindi na nangangatog ang mga tuhod ko. "Ilang taon ka na nga ulit nagtatrabaho sa kumpanya namin, Miss Cruz?"  Napalunok muna ako bago sumagot. "Dalawang taon ho, Sir."  Tumango-tango siya at inilagay pa ang kamay sa baba habang hinihimas-himas niya. Hindi ko masisisi ang mga kasamahan ko kung baliw na baliw sila kay Sir Jasper dahil talaga namang napaka-gwapo niya. Kahit sinong babae ay mahuhulog ang loob sa kaniya. "I see. So... if I will fire you now, will you accept it?" biglang seryosong tanong niya na siyang ikinatigil ko. Agad na pumasok sa isip ko ang kapatid ko, paano na kami mabubuhay?  Pinigilan ko ang sarili kong maiyak sa harap niya. "P-pero bakit ho? May n-nagawa po ba akong mali?" gumagargal ang boses kong tanong sa kaniya. "Sh**, please, don't cry. Patay ako kay Godric nito kapag umiyak ka." dinig kong bulong niya. "H-ho?" naiiyak kong tanong sa kanya dahil hindi ko narinig ang sinabi niya.  "Don't cry. I was just kidding. Hindi kita tatanggalin." Nakangiti niyang sabi pagkuwan. "Talaga po?" Mabuhayan naman ako ng pag-asa at saya dahil sa sinabi niya, ngunit agad itong nawala sa sunod niyang sinabi. "Yes, but I will have to transfer you to Villatierra Entertainment Corp."  "SOBRANG mami-miss ktia, Elize. Bakit naman kasi sa dami natin ay ikaw pa ang napiling ilipat ni Sir? Basta tatawagan mo ako lagi ha. I-kumusta mo na rin ako sa magiging boss mo." Humahagikgik na sabi ni Fergie habang nag-aayos ako ng gamit ko. Napaikot na lang ako ng mga mata sa tinuran niya. Dalawang araw mula nang sabihin ni Sir Marriott na ililipat niya ako sa brother company namin ay wala akong nagawa kung hindi sumunod. Gustuhin ko mang tanungin sa kanya kung bakit ay pinili ko na lang tanggapin ang desisyon niya dahil siya pa rin ang boss ko. Pero aaminin ko na nagtataka ako kung bakit.  At para namang binibiro ako ng tadhana dahil ang taong pilit kong iniiwasang makita ay magiging boss ko na. Ngayon ay hindi na maiiwasan ang aming pagkikita at posibleng pag-uusap. Natatakot lamang ako sa possible niyang gawin at sabihin sa akin dahil hindi naging maganda ang aming huling pagkikita. "Hindi ko rin alam pero nagpapasalamat na rin naman ako dahil tataas ang posisyon ko at madadagdagan ang sweldo ko. Alam mo naman na kailangan naming iyan ng kapatid ko." Nakangiti kong sabi sa kaniya nang matapos na ako. Dalawang box ang naipon ko sa mga gamit ko at kayang-kaya ko naman ito. Ngayong araw din na ito ako nakatakdang lumipat sa VEC.  "Elize, phone."  "Salamat." Pasasalamat ko sabay kuha ng phone mula kay Mary. "Hello?"  "Ma'am Elize?" nabosesan ko agad ang butihin naming guard sa baba. "Ako nga ho, Manong." "Narito na po ang sundo niyo papunta sa V.E.C."  "Sige ho. Pakisabi na lang ho na pababa na ako. Salamat ho." Ibinaba ko na ang phone at agad na kinuha ang isang box habang ang isa naman ay bitbit ni Fergie. Sabay na kaming sumakay ng elevator. "`Wag mo akong kakalimutan doon, ha? Pero seriously, natutuwa ako para sayo. `Wag mo nang pansinin 'yung iba kasi bitter lang sila."  Ilang sandali kaming nakapag-usap bago makarating sa Ground Floor. Paglabas sa glass doors ay nagulat naman ako sa taong bumungad sa amin.  "Justin?!"  "Long time no see, love."  Ibinaba ko muna ang hawak kong box at hinawakan sa kaliwa kong kamay ang bag ko at nakangiting lumapit kay Justin. Nang makalapit sa kaniya ay pinagpapalo ko siya nang pinagpapalo. "Long time no see, long time no see mo mukha mo! Bakit hindi ka man lang nagpaparamdam na damuho ka? At bakit ka nandito ha?" Nagtatampo kong tamong sa kaniya at tinigil ko na ang pagpalo sa kaniya at hingal na muling isinukbit ang bag ko. Nakasimangot siya habang hinihimas ang katawan niyang tinamaan ng hampas ko. "Napaka-brutal mo talaga kahit kailan. Hindi mo man lang ba ako namiss?" Lumabi siya bago ngumisi at binuksan ang pinto ng isang itim na kotse. "Well, Miss Elize, I'll be your chauffeur for today."  "Bakit? Bakit nga pala nandito ka? Akala ko nasa Singapore ka para sa project?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. "Doon ko na sa'yo ikwe-kwento ang lahat, okay? Sumakay ka muna para makaalis na tayo. God—I mean, God bless our journey."  Naguguluhan man ay sinunod ko na ang gusto niya. Bumaling ako kay Fergie na malagkit ang tingin kay Justin nang kunin niya ang kahon at muntik pa siyang mahimatay nang ngitian siya ng best friend ko. Natawa naman ako ng bahagya at nagpaalamanan na kaming dalawa. Mula high school pa lang ay kaibigan ko na si Justin at mula noon ay hindi naputol ang pagkakaibigan namin dahil halos magkapit-bahay lang kami.  Habang nasa byahe patungong Mandaluyong ay nag-kwento si Justin. Inamin niyang dati siyang nagtatrabaho sa ilalim ng pamamahala ni Godric, pero nag-resign na siya at nag-trabaho sa isang maliit na company at ngayon ay bumalik na siya bilang isang Advertising Director na si Godric mismo ang nag-alok sa kanya.  Natahimik na lang ako nang matapos niya ang sinasabi niya. Napakaliit nga naman ng mundo. Parang lahat na lang ng taong malalapit o bagay ay nakakonekta sa aming dalawa ni Godric. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD