Kabanata 23

2078 Words

Elizabeth Cruz's POV Mabilis na kumalat ang balita sa buong building. Naging tampulan akong muli ng chismis, ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na puro irap, ismid at sama ng tingin ang natatanggap ko mula sa mga kasamahan ko sa trabaho. Sa halip ay mga pilit na ngiti, nahihiyang kaway at pag-iwas ng tingin ang sinasalubong at itinatapon nila sa gawi ko. Maging si Carla na hayagang nagpapakita ng disgusto sa akin ay tinapunan lang ako ng tingin at umiwas na. Bakit nga namang hindi gayung ipinahayag lang naman ni Godric na nililigawan niya ako sa mga reporters? Hayagan niyang binasag ang noong sabi-sabi na ako ang obsessed sa kaniya. Harap-harapan niyang itinanggi na wala silang relasyon ni Monique gayung ito ang kumakalat na balita. Marahil, kung mahilig din ako sa social media ay na-ba

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD