Mine ANGELINE I kept my hands to myself after that incident. Mahirap na, pakiramdam ko kapag inulit ko pa ‘yon, may magigising akong halimaw na nakakulong sa loob ni Khalil. Isang halimaw na mapanganib. But the kind of monster he unleashed last night was something I couldn't deny I liked – no, I loved. Ngunit hindi ko naman itinago ang pagtitig sa kanya. Seryosong-seryoso din naman siya sa pagmamaneho na hindi pinapansin ang pagtitig ko sa kanya. He’s really hot just like what Eunice told me this morning. Yeah, he is so hot. Pigil na pigil akong padaanin ang kamay sa magulo niyang buhok, gustong-gusto ko ang kapal no’n. It’s messy and yet stylish for him. May kakapalan ang kilay ni Khalil ngunit hindi rin iyon makalat, mahaba pa ang mga pilik-mata niya. Mas nadedepina iyon ng mga ma