Nainis ANGELINE Kaliligo ko lang nang patalon akong humiga sa kama ko’t hinarap ang laptop ko. Medyo naiinis ako dahil bida-bida na naman ang Chiara na ‘yon kanina. Pati si Ate Candice mukhang natutuwa pa sa kanya. Oh how I really hate her. Habang chine-check ang mga shots sa camera ko’y napangiti ako sa mga stolen shots ko kay Khalil. Mailap talaga… Wala man lang akong maayos na kuha sa kanya. Pumili na ako ng mga ia-upload ko at pinagpo-post na ‘yon. As usual sumabog na naman ang mga notifications ko. Natatamad na isinara ko ang laptop ko dahil sa sunod-sunod na mga chats na natanggap ko. Boring… Kinuha ko ang cellphone ko at napapangiting nag-text kay Khalil. Busy? I tapped my fingers on the screen waiting for his reply. Nangalumbaba ako at nagbilang pa sa isipan ko nang l