Flashback ANGELINE “Ma’am, nandito na po tayo, ayaw po akong papasukin sa loob.” Idinilat ko ang mga mata at binaba ang bintana ng backseat. Sumilip ako at kinawayan ang guard. Mukhang namukhaan niya naman ako at binati ako bago tuluyang pinapasok ang kotse na na-booked ko. Nawala na rin ang hilo ko at nakatulong ang pagkakatulog ko sa biyahe. Halos isang oras din pala ang naging biyahe namin. “Ma’am, alam n’yo ho, may nakasunod sa ating kotse mula sa hotel. Kilala n’yo po ba?” usisa sa akin ng driver habang inaabutan ko siya ng bayad. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Sinusundan tayo?” “Parang. Hindi naman na ho tumuloy dito sa village n’yo eh. Ibig sabihin hindi taga-dito.” “Anong sasakyan? Itim ba?” “Ah oho. Mamahalin iyon eh, ano nga bang tawag doon? Basta range…ah! Range