Black Knight ANGELINE Pagkatapos naming maghapunan ay nagkanya-kanya ng kuha ng mga alak ang lahat. Binuksan na din ni Skyler ang stereo at malakas na tumugtog ang musika sa buong paligid. Nagsayawan kami noong una hanggang sa magsuhestyon na nga si Renan na magsimula na kaming maglaro. Talaga pala talagang handa sila dahil may mga baon pa silang gamit para sa beer pong na lalaruin namin at mga cards. Pero kailangan kong maghinay-hinay sa alak dahil palagi na lang akong nalalagay sa alanganing sitwasyon kapag nalalasing. Ngunit nang mapatingin ako kay Khalil ay nakagat ko ang labi ko. Would it be easy to play with him if I’m drunk? Nah–baka maulit na naman ang nangyari noon. Being the gentleman he is, he would say, ‘I don’t want to take advantage of you because you’re drunk’. Tala