Own me SPG ANGELINE Naghiyawan ang lahat nang simulan kong igiling ang bewang ko. Hinakbang ko ang natitirang distansya sa amin nila Khalil at Roi. Siguro’y sa alak na mga nainom na ay mas nag-ingay ang lahat, tawa nang tawa at chini-cheer ako nang sayawan ko ang dalawang lalaki sa harap ko. Kinagat ko ang labi at inalis din ang itinali kong buhok kanina. Itinuon ko ang tingin kay Khalil na hindi rin ako inaalisan ng tingin. I put a spell on you… Because you’re mine. Pagsabay ko sa pagkantang tumutugtog at inupuan na si Khalil. Ipinatong ko naman ang binti kay Roi na hinahabol din ako ng tingin sa ginagawa ko. Ipinaikot ko ang braso sa batok ni Khalil at inaakit siyang kinindatan. Nang makita ko ang paglunok niya ay napangisi ako. Nagpatuloy ako sa paggiling sa ibabaw niya ngunit