Visitor ANGELINE “Okay ka lang ba, Angeline? Good thing, hindi naman na-amnesia or na-comatose just like in movies iyong Abigail.” “Well, kahit naman magkaganoon ang babaeng ‘yon, I’m sure Angeline’s family won’t let her stay in prison,” hagikhik naman ni Leah at ipinaikot ko ang mga mata nang tumawa rin si Eunice. Hindi ko malaman kung concern ba sila sa nangyari sa akin o tuwang-tuwa sila sa panibagong eskandalo na kinasangkutan ko. “Oy, we’re just kidding ah. Ang serious mo naman. Sabi-sabi na nag-start daw iyong away n’yo kay Sir Khalil. How true is that?” bulong sa akin ni Eunice at iritable ko namang inalis ang kamay niya sa braso ko. “You know what, mula kaninang umaga sumasakit na ang tenga ko sa sermon ng daddy ko, walang katapusang bilin ng kuya ko, and now kayo naman? Gi