Pawn ANGELINE Nagising ako sa liwanag na tumatama sa mukha ko. Masakit ang ulo at ang katawan kong idinilat ang mga mata ko. Napatingin ako sa tabi ko at nabungaran natutulog na si Khalil. He looks so peaceful in his sleep. Ang braso niya’y nakapulupot sa bewang ko. Umangat ang kamay ko at marahang hinaplos ang pisngi niya bago bumaba sa malaking peklat na nasa balikat niya. Napakabigat ng mga pinagdaanan niya sa nakalipas na mga taon ng buhay niya. Wala na akong hihilingin para sa sarili ko. Ang hiling ko lang ay ang kabutihan ni Khalil. Kahit ‘wag na lang ako. Nabalik ako sa reyalidad nang sumubsob ang mukha niya sa leeg ko. “A-anong oras na?” paos ang boses na tanong niya sa akin. Doon namilog ang mga mata ko nang muling maramdaman ang pagtama ng sikat ng araw sa mukha ko. Na