“Ibig mong sabihin... h-hindi kayo magkasama ni Camila ngayong g-gabi?” tanong ko. Tumango si Reigan. “For sure. Nasa Maynila pa iyon.” Napalunok ako. Napasandal na lamang ako sa kaniyang sasakyan. Hindi ako makatingin sa kaniya, nakaramdam bigla ng hiya sa naging asta ko. Hindi nga nakakatuwang makita na nakikipagsayaw ako nang ganoon kahit pa hindi ko naman intensyon. “Iyan lang ba?” tanong ni Reigan tungkol sa pinoproblema ko. Hindi ako sumagot. “Are you not mad? I didn’t make it on time,” sambit ni Reigan habang nasa tabi ko. “Ayos lang. Hindi naman kita hinintay,” sagot ko at humalukipkip lamang. Reigan’s brows shot up. Nilingon niya ako. He licks his lower lip at nagpigil ng ngisi. “Really?” Tatango pa sana ako at sasagot pero parehas kaming natigilan nang magsimulang umam