Dahil sa nalaman, hindi ko mapigilang makaramdam ng panlalamig. Iniwan na rin ako ni Alda lalo nang mapansin ang biglaan kong pananahimik at ang kabawasan ng kaninang saya sa mga mata ko. Wala sa sarili akong lumabas ulit at naabutan pa rin ang lahat na nagsasayawan at nagkakasiyahan. Dahil bahagyang nawala sa mood dahil sa lungkot ay hindi na muna ako sumalo. Nagtungo na lang muna ako sa isang tabi at agad na kumuha ng isang bote ng alak. Binuksan ko iyon at agad na lumagok. Pinagkrus ko ang mga braso ko. I didn’t expect na tatabi sa akin si Gideon. “You look sad,” puna nito sabay abot ng isang platito na puno ng grapes. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Bumuntonghininga ako at tinanggap na lamang iyon. Katahimikan ang namagitan. Pinagmasdan ko na lamang ang mga nagsasayaw habang