“Leigh?” malalim ang boses na tawag ni Reigan, ngunit sa sobrang kalasingan ay naglalaho na iyon sa pandinig ko. He tried to wake me up but I just groaned. Nahulog ang noo ko sa balikat niya. It was cold and his body radiated enough heat to keep me warm, just by being there with me. It wasn’t hard to fall asleep with Reigan’s presence, after all. Ganoon ako kakomportable sa kaniya lalo pa’t alam kong kahit sumikat pa ang araw sa kanluran, hindi niya ako gagawan ng masama. Perhaps the reason why I love him... dahil siya lang ang nakapalagayan ko ng loob nang ganito sa kabila ng lahat-lahat, sa kabila ng mga kahihiyan ko noon, at kahit anong tigas ng ulo ko, siya lang ang nakakaintindi sa pag-uugali kong iyon. “Everleigh Zarina... goddamnit,” nahihirapang bulong ni Reigan. Bagsak