Hindi nga nagbibiro si Reigan. He really took his shirt off in front of me. Para lang gantihan ako sa sarili kong mga kalokohan. Dahil sa pagkakatitig ko sa kaniya at gulat sa ginawa niya, nakalimutan ko yatang huminga at lumangoy man lang. Naramdaman ko tuloy ang unti-unti kong paglubog sa tubig at napaubo-ubo nang kamuntikan pang malunod. He’s gonna be the death of me! Literal... Noong una, seryoso at nagbabanta ang tingin niya sa ‘kin dahil sa pag-iisip na binibiro ko siya, pero nang makitang nasasamid na talaga ako sa tubig at nahihirapan ay narinig ko ang kaniyang mura. He didn’t think twice anymore. Ni hindi niya na yata naalis ang combat boots niya. He went into the water at dinaluhan ako sa kinaroroonan ko, dahilan para parehas kaming maging basang-basa. I coughed repeate