Hindi ko alam kung may ni katiting na karapatan ba akong magselos o manguwestiyon. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa nararamdaman kong ito. Pagtapos ng dinner ay nagpaalam na kami. Ihahatid ako ni Reigan sa Laia. I’ve been staying at our hotel for a while now at tuwing weekends lamang nasa mansyon, pero mas madalas pa yata akong mapadpad sa rancho ng mga De Alba dahil dumaraan kami roon nina Hazel pagtapos ng klase namin. Kung minsan naman ay ako lang. “Bye, Tita Devone. Salamat po sa masarap na dinner. It’s been a long time simula nang may mga kasabay akong kumain sa hapag,” sincere kong sabi at niyakap si Tita Devone. “Tito, salamat po,” paalam ko rin kay Tito Silvianno na tumango at hinatid na kami ng mag-asawa hanggang entrada ng bahay. “Take care of her, Reigan,” sabi ni Tito Si