Hindi na ako nagtanong pa kay Reigan tungkol kay Camila. Hindi ko rin naman gusto ang nararamdaman kong selos at hindi rin maganda kung papairalin ko ngayon ang insecurities ko sa isang babaeng wala namang masamang ginagawa sa ‘kin. Hindi na talaga umuwi si Reigan at sa hotel suite ko na natulog. He was just hugging me until I fell asleep. Paggising ko ay gising na siya. Akala ko nga ay umalis siya kaya pagmulat ko at nakita ko siyang nasa couch ay halos lumukso ang puso ko palabas. Sa sobrang sama ng loob ko kagabi, halos hindi mag-sink in sa akin na nandito si Reigan! “Good morning, Leigh.” “G-Good morning! Akala ko ay umuwi ka na...” tanging nasabi ko paggising. Nataranta tuloy ako dahil ang kalat pala ng suite ko! There are papers everywhere! At may mga kung ano-ano pang hindi