Kabanata 49 - SPG Regalo

2168 Words

Nanghina ako. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas at kinuha niya ang lahat ng iyon. Binalikan ako ng tingin ni Reigan. Sinikap ko pa ring tumayo kahit na nanghihina ang aking mga binti para bumaba sa kama. Halos matupi ang mga tuhod ko. Bumagsak ako kay Reigan at halos mapaluhod sa kaniyang harapan. Sinalo niya ako. Naramdaman ko agad ang kaniyang kamay sa aking gilid. Nagtama ang mga mata namin, pero nanatili ang pamumungay sa mga tingin ni Reigan. Kumapit ako sa kaniyang braso habang inaalalayan niya ang bewang ko. Mula sa kaniyang mga mata ay bumaba ang tingin ko sa labi niya at agad ko iyong siniil ng halik. Hindi ko na alam kung bakit kailangan ko ang labi niya, ang kaniyang halik. If it’s because I need to calm him or I need to calm myself more. “Leigh,” Reigan whispered

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD