Sa sumunod na araw, kahit sinabi niyang may mahalagang gagawin sa rancho ay pumunta pa rin ako. Paano ba kasi, tungkol na lang doon sa mga papel ang pinag-usapan namin pagkatapos niya akong tanungin niyon! I can’t believe him! Kailan pa ako nagmukhang nagda-drugs? Mukha ba akong adik sa paningin niya?! “Pero, Senyorita, baka makakagulo ka lang doon!” sabi ni Alda nang malaman na kina Reigan ang tungo ko. “Hindi ako papayag na ganoon ang tingin niya sa ‘kin, Alda. I’m not a playgirl! I’m not cheap!” saad ko at sinara na ang pinto ng sasakyan ko pagtapos kong sumakay. “Senyorita, sandali!” Hindi na ako napigilan pa ni Alda nang mapaandar ko na ang sasakyan. Dumiretso ako patungo sa rancho ng mga De Alba, sa pagkakataong ito ay nakapantalon na ako at isang puting long sleeves. Nagka