“I’m sorry, Reigan...” sabi ko nang ibaba niya ako malapit sa isang sink sa may silungan. “Tss. Ang tigas ng ulo mo,” pabulong niyang sinabi at binuksan ang gripo. “It’s fine, ako na,” sabi ko at nagsimulang hugasan ang mga kamay ko. Napanguso ako dahil madilim pa rin ang kaniyang tingin sa narumihan kong damit. Puting-puti pa naman itong long sleeves ko! “Are you hurt?” tanong niya pero sarkastiko na itinatago ang labis na iritasyon. “I’m perfectly fine, Reigan! Malayo sa bituka. At saka sinabi ko naman sa ‘yo, I should’ve removed this shirt of mine para hindi marumihan!” sabi ko at binaba ang tingin sa damit kong naliligo sa lupa. “At iyan pa talaga ang naisip mo, huh?” magkasalubong ang mga kilay niyang sinabi at halos pakialaman ako pati sa paghuhugas ng mga kamay at braso ko