Mayroon ngang mga bisita si Reigan, some businessmen at mga kakilalang propesyunal. Ang isa pa nga rito ay pamilyar sa akin dahil family friend din ito ng mga Altarejos. Mukhang gusto pa nitong tanungin kung ano ang mayroon sa amin ni Reigan dahil magkasama kami rito sa Batangas. Maybe the man knew that Reigan is here mainly for his car race. “I didn’t know you two are close. Natatandaan ko noong minsan kang narito sa Batangas, Miss Altarejos, noong nandito pa ang iyong inang si Katrina. You two didn’t seem like you were close.” Nasa gitna kami ng pagkain nang sabihin iyon ng isang matandang businessman na parehong family friend ng mga De Alba at Altarejos. Nagkatinginan kami ni Reigan. Halos ‘di ko malunok ang pagkain ko at hindi ko rin alam ang isasagot doon! Si Hazel naman ay ta