“Leigh, nag-text si Nanay, nagpapatulong sa mga pinamili niya. Ibaba mo na lang ako sa dulo ng plantation at mag-sho-shortcut ako pauwi!” sabi ni Hazel. “Naku, si Nanay talaga, pabigla-bigla kung minsan.” Tiningnan ko si Hazel para alamin kung nagsasabi nga siya nang totoo! Pinakita niya sa ‘kin ang text ni Ate Sita at nagkibit-balikat. Ang plano namin ay mag-aral na sa rancho katulad ng madalas naming ginagawa lalo na’t may quiz kami sa susunod na araw. “Sorry! Ayaw mo niyon? Solo mo na naman si Kuya Reigan!” Malapad siyang ngumisi at tinusok-tusok ang tagiliran ko. “Kunwari ka pa! Kunwari pa kayong dalawa!” “Hazel!” I just shook my head. Noong binaba ko nga siya para makapag-shortcut ay nginuso niya ang mga bulaklak na nasa backseat. Iba’t ibang tangkay iyon dahil galing din sa