Chapter 5

2247 Words
MAAGA pa lang ay maririnig na kaagad ang lakas ng boses ni Alyanna sa buong bahay. Pinaalalahanan niya ang mga katulong kung ano ang mga dapat gawin para sa pagdating ng ibang pamily nito. Samantalang hindi naman mapakali si Allen sa kaniyang higaan habang nakatingin sa kaniyang cellphone na nakalagay sa ibabaw ng side table. Ilang minuto niyang hinihintay ang reply ni Carolline pagkatapos nitong mag-text sa kaibigan ng 'Good morning'. Balak niya nang tawagan si Carolline dahil baka hindi nito napansin ang text nang makarinig ng ilang pagkatok mula sa labas. Binitawan niya ang cellphone at napaupo sa higaan. "Sir, pinapatawag po kayo ni Ma'am Alyanna sa baba," ani ng isang katulong nina Allen nang makapasok sa loob. "Pakisabi na natutulog pa ako," mabilis na sagot ni Allen. "Pero, S-Sir, hinah---" Hindi na natapos nito ang sasabihin nang kinuha ni Allen ang kumot at humiga muli sa kama. Tinaklob niya ito sa kaniyang buong katawan at lumingon sa kabilang side kung saan nakatapat siya sa bintana. "Nasaan na si Allen?" bungad na tanong ni Alyanna nang makaakyat at naabutan pa rin ang katulong sa may pintuan ng kwarto ni Allen. "Natutulog pa raw po si Sir Allen," paliwanag ng katulong. "Sige na, Manang. Ako na munang bahala rito. Pakialalayan na lang ang iba sa baba." Tumango naman ang katulong sa utos ng kaniyang amo at dali-daling bumaba. Samantalang napapikit si Allen at umarte na natutulog nang marinig niya ang mga yapak ng paa na papalapit sa kaniya. Alam niyang kukulitin na naman siya ng nanay nito. Hindi nga nagkamali ng iniisip si Allen dahil hinablot ni Alyanna ang kumot ng anak. "Hindi porket wala kang pasok ngayon ay hihilata ka na lang dyan buong hapon. Ano bang balak mong gawin sa buhay mo, Allen? Mag-ayos ka na dahil parating na ang mga pinsan mo." Nakabusangot ang mukha ni Allen nang bumungad sa kaniya ang malakas na boses ng nanay. Hinihila pa ang katawan niya ng kama at balak niya lang humiga ng buong hapon. "Mom, I need to get some rest," tugon ni Allen sa kaniya. Hinila nito pabalik ang kumot at sinapin sa katawan niya. Napatigil naman si Allen sa ginagawa nang tumawa ng malakas si Alyanna. "Mom, are you crazy? Why are laughing so loud?" Mabilis na nagbago ang reaskyon ni Alyanna at nawala ang ngiti sa labi nito. "Ginagago mo ba ako, Allen?" "Mom, words!" "Seryoso ka ba sa sinasabi mo? Kailangan mo nang pahinga? Ilang araw ka nang naka-leave sa trabaho mo. Hindi pa ba pahinga ang ginagawa mo no'n? Anong klaseng pahinga ba ang gusto mo? Ang nakatapat sa mga alak at babae mo?" Kung kanina ay malakas ang boses ni Allen sa pagsaway sa nanay niya. Ngayon ay para bang nalunok niya ang dila dahil walang masabi. Alam niyang nahuli na naman siya ng nanay sa kalokohang ginawa nito. "Huwag mo akong simulan dahil kayang-kaya ko 'yang tapusin. Tandaan mo 'yan, Allen. Now, go and fix yourself. Parating na sila." Malakas na bumuntong hininga si Allen at ginulo ang buhok. Nakasimangot itong tumayo at naglakad papuntang banyo para mag-ayos. Isang ngiti naman ang sinagot ni Alyanna nang mapasunod niya ang anak sa huli. Lumabas si Alyanna ng kwarto ng anak at muli na namang inayos ang mga pagkain at kakainan nila sa baba. Ilang saglit pa ay nakarinig na siya ng mga busina ng sasakyan. Nagmamadali rin ang isang katulong na lumapit sa amo. "Ma'am, nandiyan na po sila Sir Frank." Tumango naman ito at inayos ang nagulong damit. Mabuti na lang at maayos na ang kaniyang itsura. Nasaktuhan talaga sa oras ng pagpunta ng kaniyang kapatid. "Tawagin mo na si Sir mo sa taas." Pagtukoy ni Alyanna sa asawa. Sinunod naman nito ang utos ng amo. Naglakad si Alyanna at lumapit sa may pintuan para salubungin ang pamilya ng nakatatandang kapatid niya. “Yanna!” sigaw na tawag ng Kuya Frank niya. Kinuha naman ng ilang maids ang mga bitbit nilang pasalubong at gamit. Balak kasi nilang magpamilya na magbakasyon muna rito at magpahinga sa matrabaho nilang gawain sa Maynila. “Kuya Frank, buti naman at nakarating kayo agad. Sakto lang pala ‘yong oras na pagluto ng mga pagkain.” Napatango naman ang Kuya niya at sumang-ayon. Nilingon ni Alyanna ang asawa nito at nakipagbeso. “Mabuti at nakarating ka rin. Kumusta naman ang libing ng Daddy mo? Hindi na kami nakapunta ni Allen kasi may inasikaso rin ang Daddy niya.” “Ayos lang dahil naging maayos naman ang libing ni Dad. Nasaan na pala si Allen?” tanong ng asawa ni Frank na si Jane. “Nandoon sa kwarto niya at nag-aayos na rin. Pababa na rin ang batang ‘yon,” sagot ni Alyanna kay Jane. Tinignan niya naman ang likuran nina Frank, pero hindi niya napansin ang anak nito na nakasunod. “Nasaan na ang kambal?” “Sina Francis at Franco?” tanong ni Jane. Tumango naman si Alyanna bilang sagot. “Ang sabi ay susunod na lang daw sila. Hindi naman sinabi kung saan pu--- Oh! Ayan na pala sila, eh.” “Tita Alyanna!” sigaw na pagbati ni Franco at lumapit kay Alyanna para makipagbeso. “Naks, Tita! Mukhang gumaganda tayo, ah? Anong klaseng turok ba ang ginamit sa iyo?” “Manahimik ka nga, Franco!” Hinampas niya naman ng malakas ang kaliwang braso ni Franco. Napadaing naman ito dahil sa ginawa ng kaniyang Tita. “Kahit kailan talaga ay hindi ka pa rin nagbabago.” "Of course, Tita Yanna. Pogi pa rin naman ako." “Hi, Tita.” Napatigil naman ang dalawa nang bumati ang seryosong si Francis sa gilid. Hindi naman nakapagsalita kaagad si Alyanna nang makipagbeso ang pamangkin nito at naglakad na palayo sa kanila. “Anong meron sa kaniya at mukhang may period yata?” tanong ng nagtatakang si Alyanna sa kaniyang pamangkin. Lumapit naman si Franco at may binulong sa kaniyang Tita. “Broken hearted po kasi. Huwag mo na lang pansinin, Tita Yanna.” Lumayo naman si Franco at ngumiti. “Buti nga at napilit namin na pumunta rito. Balak niya na yatang magkulong sa buong kwarto niya. Nasaan po pala si Allen?” “Nandoon sa kwarto niya. Sunduin mo nga at baka nakatulog na naman ulit ang batang ‘yon.” Tumango naman si Franco at nagpaalam na aakyat para sunduin ang kaniyang pinsan. Samantalang sa kwarto ni Allen ay hindi pa rin nakaayos ang binata. Pagkatapos lumabas ng Mommy niya ay bumalik ito sa kama at muling nahiga. Nanatili siyang nakatingin sa cellphone niya at nag-aabang pa rin sa reply ni Carolline. Napatigil lang ito sa ginagawa nang pumasok ng dire-diretso si Franco sa loob ng kaniyang kwarto. "Ano, dude? Wala kang balak i-welcome kami?" bungad na wika ni Franco. "Tamad na tamad tayo? Warmest welcome naman, oh!" "Welcome, dude. f**k you!" pagmumura ni Allen sa kaniya. Hindi naman nag-react si Franco dahil sanay na ito sa pinsan niya. Naglakad ito palapit kay Allen at binagsak ang sarili sa kama na hinihigaan din ng pinsan nito. "Sarap talaga ng higaan mo. Pwede bang magpalit tayo?" "Ang yaman mo. Bumili ka na lang ng sarili mong kama," sabat ni Franco at nanatiling nakaupo pa rin sa kama niya. "Mayaman ang pamilya ko, pero hindi ako. Wala ka pa bang balak bumaba? Kanina ka pa nakatingin sa cellphone mo. Sino ba inaabangan mo? 'Yong kababata mo pa rin ba 'yan?" pag-usisa ni Franco sa kaniya. Alam na ni Franco ang tungkol sa kababata ni Allen na si Carolline, pero kahit isang beses ay hindi pa nito nakita ang itsura ng dalaga. Sa tuwing niyayaya kasi nila si Carolline ay laging wala ito sa bahay nila. Para bang ayaw talaga sila pagtagpuin sa isa't isa. "Mind your own business," seryoso at may diing wika ni Allen sa pinsan. "Sus! Move on ka na roon. Parehas lang kayo ng kambal ko na hindi maka-move on sa mga first love niyo." "Huwag mo nga akong idamay sa inyo. Magkaiba naman tayo ng case. Ako hindi maka-move on kasi hindi niya pa alam na may gusto ako sa kaniya. Kayo naman hindi maka-move on sa ex na niloko kayo pareho." Napatingin naman ng diretso si Franco sa pinsan at hindi napigilang mag-react sa sinabi nito. "Medyo masakit ka rin magsalita, ah. Move on na kaya ako sa kaniya. Hindi niya deserve ang pagmamahal ko." "Then, Carolline deserves my love so I can't move on from her until he knows my feelings to her." Lumapit si Franco kay Allen at tinapik ang balikat nito. "Okay ka lang? Sa sobrang showy mo hindi niya pa rin ba alam na may gusto ko sa kaniya? Patawa ka talaga kahit kailan, Allen." Tumaas-baba ang magkabilang balikat ni Franco at umalis sa kama. Pumunta naman siya sa harap ni Allen. "Bakit ba kasi hindi ka na lang mag-confess ng feelings mo?" "Asa naman akong tanggapin niya 'yon. We are childhood friends, and she won't exchange the years we've been together as a friend for this matter." "But does matter to you," sabat ni Franco sa kaniya. "Tsk," singhal ni Allen. Tumayo naman ito at kumuha ng pang-itaas na damit sa may drawer. Saglit lang siyang nagpalit at nauna nang lumabas. Sinundan naman ito ng kaniyang pinsan na nakangisi dahil alam niyang asar na naman si Allen sa kaniya. "Ayan na pala 'yong dalawa. Tara at kumain na tayo ng sabay-sabay," bungad na sabi ni Alyanna nang makita sina Franco at Allen na pababa ng hagdan. "Where's Dad?" tanong ni Allen nang hindi niya ito makita na kasama nila. "Susunod na lang daw ang Daddy mo. May kailangan lang tapusin." Sabay-sabay naman silang pumunta sa dining area para kumain. Ilang saglit lang din ay sumunod na si Anthony, na tatay ni Allen. "Sakto lang pala ang pagdating mo, Hon," ani ni Alyanna sa asawa. Tumabi naman ang lalaki kay Alyanna at ilang saglit pa nagsimula na silang kumain. Ilang kwentuhan din ang nangyari at pangangamusta sa Maynila at Barrio Floresidad. Tahimik naman ang kanilang mga anak at tanging si Franco lang ang madaldal sa kanila. Pagkatapos ng kainan ay nagkaniya-kaniya na rin sila sa kanilang ginagawa. Ang mga magulang ay nasa living room at nagkukwentuhan pa. Samantalang ang tatlo naman ay may sarili ring mundo. Walang nakapansin kay Allen na kinuha ang wallet, cellphone at susi ng kaniyang sasakyan. Sawa na siya sa pakikipag-usap sa mga pinsan nito. Halos buwan-buwan din kasi siyang lumuluwas ng Maynila para mag-asikaso ng business ng mga magulang niya, kaya may chance siyang makita ang dalawa. Ang gusto niya lang ay puntahan si Carolline ngayon. Habang busy sa pag-uusap sina Alyanna ay tumakas naman si Allen palabas ng bahay. Walking distance lang ang bahay ng kababata niyang si Carolline kaya nilakad niya na ito. Pero pagdating niya doon ay tanging katulong lamang nila ang natagpuan. Umalis sina Carolline kasama ang magulang nito para pumunta sa kabilang Barrio at hindi niya alam kung kailan ito babalik. Ilang saglit pa naghintay si Allen at baka dumating na rin ang kababata niya, pero halos isang oras na rin ay wala pa rin ang mga ito. Bumalik siya sa kanilang bahay at napadesisyunan na lang umalis. Sumakay ito sa kotse niya at paalis na sana siya nang bumukas ang pinto sa passenger seat at pumasok ang pinsan niya na si Francis. "Drive," utos ni Francis kay Allen. Tinignan lamang niya ito ng ilang segundo bago sinunod ang sinabi nito. Nag-drive siya palayo ng bahay nila at balak niyang pumunta sa club kung saan palagi siyang nandoon. Nang makarating ay sumunod din sa kaniya palabas si Francis. "Talagang susundan mo ako hanggang sa loob?" nagtatakang tanong sa kaniya ni Allen. "Why? Are going to leave me here and enjoy yourself there without me? Then, take me home." Napatanga naman sa kaniya si Allen at iniisip na baka mahuli pa siya ng magulang kapag bumalik sa bahay. Mas okay na rin sigurong kasama niya si Francis, at least may excuse siyang sasabihin kapag pinagalitan ito ng magulang sa ginawang pagtakas niya kanina. "As if I will leave you here alone." Sabay naman silang naglakad papasok ng club at dahil masyado pang maaga ay konti lang ang taong nandoon. Napupuno lang naman kasi ito pagdating ng gabi dahil maraming customers. Pumunta na lang sila sa may mga high stool chair at umupo. Nag-order sila ng ilang alak para may mainom. "Kumusta naman ang offer ko sa iyo?" biglang tanong ni Allen sa pinsan. Napatigil sa pag-inom ng alak si Francis at tumingin sa kaniya. "Ang dami ko nang na-send sayo. Hanggang ngayon ay wala ka pa ring napipili?" "They're too simple and boring." Napailing naman si Allen sa sagot ng pinsan. "Anong klase ba kasing babae ang hinahanap mo? Ang mamahalin ka, lolokohin, at iiwan ka ulit?" pang-aasar pa ni Allen. "f**k you, Allen." Napatawa nang malakas si Allen kaya napatingin naman ang ilang tao sa loob ng club sa kaniya. "You're too loud." Napatigil sa pagtawa si Allen at sumeryoso. "Serious question, Francis. What kind of woman you are looking for?" "I don't know," he simply said. Napatango si Allen at kinuha ang alak sa harapan at uminom. "Maybe someone that will change my world." Bago pa makasagot si Allen ay nagulat na lang ito nang hatakin ng pinsan niya ang isang babaeng nagtatrabaho sa club na 'yon at 'saka hinalikan sa labi. Napailing na lang siya sa naisip. Kung magaling sa babae si Allen. Mas magaling pa rin ang pinsan niya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD