Shina POV Sa sinabing tagpuan ni Raven ako naghintay. Wala pa siya nang dumating ako. Hindi naman ako inaantok dahil nasasanay na rin akong gumising ng maaga. Maganda rin na makasilay muna ako sa kanya bago ako mag examination. Umalis ako nang ‘di pa rin lumalabas ng kuwarto si kuya, hindi ko alam kung naroon pa iyong babae na dinala niya. Hay! Alam ko naman na hindi ako dapat mag-alala, hindi naman si kuya ang mabubuntis. Pero paano naman ‘yong babae? Isa pa, akala ko talaga anime lang ang kababaliwan ng kapatid ko. Tiningnan ko ang orasang pambisig ko, nahuli na si Raven sa usapan ng thirty minutes. Pupunta pa kaya siya? Lumamig na rin ang niluto ko. Lumingon ako sa parke, pero wala man lang bakas ni Raven. Sinubukan ko siyang tawagan pero patay ang cellphone niya. Naghintay pa ak