CHAPTER 16 “Sorry, Miss. Agad siya nitong inalalayang makatayo. Kapwa silang nagulat nang mapagsino ang isat isa. “Ro-Rolan?” “Daphne?” Nakayakap pa rin ito sa kaniyang baywang at bakas din ang gulat sa mukha nito. Hindi niya inaasahang magkikita sila ni Rolan doon. Matagal na rin niya itong hindi nakita. Matapos niyang makipaghiwalay rito noon ay agad siyang lumipad patungong Canada dahil sa takot na sermunan ng ama. Si Rolan ang ex-boyfriend niya at kanang kamay ng ama sa negosyo nila. Hindi lingid sa kaalaman niya na bet na bet ito ng kaniyang ama para sa kaniya. Ngunit hindi ganoon kalalim ang damdamin niya kay Rolan, kaya't nakipagkalas siya rito. Wala siyang damdamin para kay Rolan. Ang totoo'y dahil lang sa pustahan nila ni Monica noon, kaya sinagot niya ang panliligaw nito s