BULLSHIT! Hindi mapigilan ni Brian ang magmura habang panay ang sulyap sa kaniyang wristwatch. Kanina pa siya nakatangang naghihintay kay Daphne sa loob ng kotse. Nakailang busina na siya sa labas ng gate para lang apurahin ito mula sa paggagayak, pero mahigit kalahating oras nay hindi pa rin ito lumalabas ng bahay. Malinaw naman ang usapan nila na eksaktong alas singko nang hapon niya ito dadaanan sa Grand House. Ngunit alas singko y medya nay hindi pa rin ito bumababa. Isang pagkalakas-lakas at pagkahaba-habang busina ang ginawa niya. Sagad na talaga ang pagkainis niya sa kakuparan ni Daphne. He stopped when the front door opened and Daphne stepped out from the house. His anger suddenly trasformed into amusement. He was mesmerized with the beauty standing at the door. He watched Daphn