PAREHAS NA NAKANGIWI si Maki at Paxton sa pagkain na nakikita nila na nakahain sa mesa na pinagmamalaki ni Ruhk na niluto nito ng makarating sila sa bahay after nilang manggaling sa Southh Korea. Kararating lang nila sa bahay at deretsong nagpunta sina Maki sa kusina ng banggitin ni Ruhk na nakapagluto na siya bago sila nito sunduin. “Dig in.”saad ni Ruhk na ikinalunok ni Paxton habang nakatutok ang tingin sa mga pagkain na nasa mesa na siya namang ikinalingon ni Maki sa kaniya. “Sure ka bang pagkain itong niluto mo, Verchez? Hindi kaya mamatay kami ni Kuya Paxton sa mga niluto mo? Itsura palang parang biyaheng langit ang tungo namin nito eh.”saad ni Maki na poker face na ikinalingon ni Ruhk sa kaniya. “Why don’t you just fvcking be grateful in those foods you see? Pinaghirapan kong lu