HINDI MAWALA sa isipan ni Ruhk ang wirdong lalaking nakipag karera sa kaniya at muntik ng makipag banggaan sa kaniya, hindi niya alam kung anong trip nito pero hindi niya gusto ang awra na nararamdaman niya dito. Katulad ito ng lalaking nanguna sa pagharang sa kanila ni Maki nung nakaraang araw, parehas na awra ang naramdaman niya sa dalawang ‘yun. Hindi alam ni Ruhk kung ang lalaking nan-trip sa kaniya kani-kanina lang ay siya din ang pakay at hindi trip lang ang ginawa nito sa kaniya. Buntong hiningang inialis nalang ni Ruhk ang isipan niya sa lalaking nakipag-karera sa kaniya, at binilisan nalang ang kaniyang pagmamaneho upang makarating na siya sa pinagdalhang lugar nina Charles sa lalaking model na kanina pa ninya gustong durugin ang pinagmamalaki nitong mukha dahil sa ginawa nito ka