"SAAN NA TAYO?" she asked with her sleepy eyes na namumungay pa.
She yawned. Napalingon sa paligid. She was sure na wala na sila sa national highway at iniisip kung bakit nasa ordinary road sila. Tila papasok sila kung saang compound dahil wala na halos bahay ang tinatahak nila. She checked her wrist watch at sa oras na nakita ay sure siya na wala pa sila sa Baguio.
Her eyes widened at nakatitig kay Brix. Niloloko ba ako nito? Sabi niya Baguio pero wala man kami sa Baguio. Am I right to trust him?
"Rosario," he chuckled, natawa sa itsura niya. Napailing sa nakitang pagdududa sa mga mata niya, "are we back to square one?" tanong pa nito.
"Rosario, La Union?" napatuwid siya ng upo. Alam niya na madadaanan nila ang Rosario pero bakit wala sila sa Kennon Road. " You said we are going to Baguio."
"Yeah, we are..." natatawa nitong sabi, "kumalma ka nga. I'm not going to r**e and kill you. May hindi lang ako matanggihan kaya kailangan natin pasyalan bago tayo punta ng Baguio."
"Oh, okay..." tumatango niyang sabi. Napahiya at natahimik. Masyado na ba siyang transparent at nababasa nito ang nasa isip niya?
Nahihiya siyang napatitig dito. Brix looked tired and he needs to have some sleep. Bigla niya naalala na wala pa ito halos itinulog mula kagabi.
"Wala ka pa halos tulog..." nag-aalala niyang sabi rito. Iyon ang isang totoo, wala yata itong itinulog at nag-iinarte pa siya.
Kagabi, nang pumayag siya sumama ay nag-desisyon agad itong tumawag kay Sabina at sinabihan ang friend niya na mag-file ng leave para sa kaniya.
Sabina said na kailangan niya tumawag kay Ms. Adelle para makapag-paalam siya ng personal sa boss. She planned to call Ms. Adelle early in the morning kinabukasan pero nagulat na lang siya nang may tinawagan si Brix then said his thanks at maya-maya ay kausap na nito si Ms. Adelle.
After the call ay naguguluhan siyang nakatingin dito. Hindi niya alam kung paano nito nakuha ang numero ng boss niya.
"Her husband is one of my business associates," he said last night after he made the call.
Napatango na lamang siya at lalong nanliit ang paningin sa sarili. Brix is not just handsome devil, he was awesome. He could do anything as he pleases.
She remembered Lian's horrified face last night when she said that she wants to go with Brix. She saw that she wanted to say something but Andrew made her stop. She heard Andrew whisper to Lian that the latter should stop worrying at makakasama sa bata.
"I will be fine, Lian," she said to her cousin para hindi na rin ito mag-isip pa ng kung anu-ano, "I actually really needed a vacation too. It would be fun kung makauwi ako ng Cebu pero okay na rin makapasyal sa Baguio."
"I will introduce Ali to my father, Lian. You don't need to worry. I won't do anything bad to Ali. I promise you that I won't do anything without her consent."
She was flustered with what Brix said. Nahihiyang napatingin kay Lian.
"I trust that. If anything will happen to you then alam mo na... Ginusto mo rin."
Napatitig siya sa kasama after remembering Lian’s words last night. She saw his tiredness at niisip kung paano makakabawi. Wala naman itong imik at focus lang sa pagda-drive. Napatingin siya sa kalsada. It seems they are going into some wilderness dahil may mga puno sa gilid ng daan.
"Ako na mag-drive..." she offered shyly. Inisip na para makapahinga ito at para makabawi siya sa pagdududa niya kanina.
"You know how to drive?"
"Yes, my Kuya Troy taught me," she said while smiling. Namiss niya bigla ang mga kuya niya dahil doon. She had been spoiled, not only by her parents but with her older brothers as well.
"You still don't trust me, do you?" Brix asked.
"Ha?" tanging nasabi niya. Iniisip kung bakit ba nito ibinalik pa sa kanina ang usapan.
"Kanina, paggising mo. Nagdududa ka pa rin sa akin."
"Hindi naman. Nagulat lang ako kasi akala ko sa Baguio na tayo," she denied. Napayuko dahil sa guilt.
"Ang sarap nga ng tulog mo sa byahe at hindi kita inistorbo tapos pinaghihinalaan mo pa ako ng kung anu-ano," he said. May kaunting tampo ang boses nito. Napailing pa.
"Wala naman ako sinabi ah..." she defended herself.
"Wala nga pero takot na takot ang itsura mo kanina," he smiled more to himself than her. "You have your phone and you can call Lian and Andrew kung sa tingin mo ay may gagawin akong hindi maganda."
"Hindi naman sa gano'n."
"I'm not a r****t, Ali. Kahit gaano ka pa kaganda at kahit gaano pa ako tinitigasan sa'yo ay hindi ko magagawa mang-rape."
She was shocked with the words used pero binalewala na lang niya. She gave him a look dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin. She positioned her hand in his right thigh, palm down at sinundan naman nito ng tingin kung nasaan nakapatong ang kamay niya bago ibinalik ang atensyon sa kalsada.
"Sorry..." nahihiya niyang sabi sabay mahinang pagpiga sa hita nito.
"You should not do that."
"What? Saying sorry?"
Natawa naman ito at nakahinga siya ng maluwag. It seems na hindi na ito nagtatampo.
Brix grabbed her hand na nakapatong pa rin sa hita nito and moved it upward. Her eyes turned big when she felt something hard na ipinakapa nito sa kaniya. She looked at him, horrified. Parang napaso ang kamay na hinila niya bigla at natawa naman ito sa nakitang panlalaki ng mga mata niya.
"Are you that naive, love?" he asked.
Hindi naman siya nakaimik. Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin.
Brix pulled over at lumapit sa kaniya ang mukha nito. Dalawang dangkal na lang ang pagitan ng mga mukha nila. She closed her eyes for he was surely will kiss her but...
"Touching a man could cause you trouble," Brix said softly then she felt that he unlocked her seatbelt.
Doon siya napadilat. Seatbelt? Mukhang tanga ka na naman!
Agad na bumaba si Brix sa sasakyan at umikot sa pwesto niya at pinagbukas siya ng pinto. Napabuga naman siya ng hangin bago bumaba ng sasakyan para maalis ang hiyang nararamdaman.
She looked around and she was awed by what she saw. A beautiful view of a mansion and its garden. She instantly felt that she wanted to go home. She missed her parents and brothers.
"It seems that Brix finally brought someone special here."
Napalingon sila sa nagsalita and Ali saw her, a beautiful tall woman na palapit sa kanila.
"Hi, Brix!" sabi nito nang makalapit na sa kanila.
Bahagya naman siyang nailang dahil sa kaniya ito nakatingin. Parang sinusuri siya ng mga tingin nito.
"Stop that, Samantha!" Saway ni Brix dito.
Natawa naman ito at nakangiting nakatingin sa kaniya.
"I'm Sammy, Brix's best among the best of his friends," pagpapakilala nito ng nakangiti.
"Ali..." she said shyly.
"Brix, nandyan ka na pala!" masayang bati naman ng isang lalaki kung saan. Napatingin siya rito. Gwapo ang lalaki, moreno at hindi nalalayo kay Brix ang height.
"That's my husband," Samantha informed her at napatango naman siya.
"Pare..." bati naman ni Brix sa asawa ni Samantha and they shook hands.
"Kanina pa kayo?" tanong nito at agad napansin siya, "may kasama ka pala?"
"Her name is Ali, hon," Samantha informed her husband.
"This is Ethan, Sammy's husband," pagpapakilala ni Brix sa kaniya ng kaibigan nito, "Ethan, this is Ali... My..."
"His girlfriend." Ali supplied the word and she smiled at the beautiful couple in front of her.