NA NAMAN? FLOWERS AGAIN?
Ali sighed while looking at the bouquet of roses na hawak-hawak niya. The color of the roses are mixed, possibly lahat ng kulay mayroon ang rose sa flower shop ay pinagsama-sama para sa bouquet na natanggap niya.
For the nth time ay mukhang masasayang na naman ang mga bulaklak. She stood up at naglakad papunta sa trash bin at akmang itatapon ang bouquet when her friend Sabina grabbed the bouquet from her.
"Sayang!" The teasing voice of her friend made her roll her eyes.
"Sa'yo na kung gusto mo," nakasimangot niyang sabi sabay lakad pabalik sa cubicle niya.
Brix keeps on pestering her, sa bahay man o sa opisina ay araw-araw siya may natatanggap na bulaklak. As if madadala mo ko sa buklaklak? Feeling mo siguro bulaklak lang katapat ko?
"Hay naku..."
Napatingin siya sa nagsalita sa may gilid niya. Si Sabina. Nakasunod pala sa kaniya at dala-dala ang bouquet. Nanunukso ang ngiti nito na nakatingin sa kaniya.
She pouted her lips sa inis at naniningkit ang mata niya nang maisip 'yong huling pangyayari na naganap sa pagitan nila ni Brix. Hindi niya pa rin matanggap na nanakaw ng lalaking iyon ang first kiss niya.
"Pangit ba talaga itong Brix na ito?" tanong ni Sabina, nasa mga mata ang curiosity.
"Oo, sobra! Ang kapal ng mukha! Akala naman niya ay madadala niya ako sa mga pabulaklak na gan'yan," nanggigigil niyang sabi.
"Ano name niya sa social media accounts niya?"
"Why?" takang tanong niya sa kaibigan.
"Itatanong mo pa talaga kung bakit?! May iba pa bang reason aside sa curious ako at gusto ko makita ang itsura niya."
"Ha? Bakit mo pa gusto makita ay pangit naman 'yon. Maiinis ka lang."
"Ali, baka naman pangit sa paningin mo kasi naiinis ka lang sa tao. Sa hindi ko maintindihan na standard mo ay hindi na ako sure kung pangit ba talaga itong Brix na manliligaw mo."
"Eww... hindi ko manliligaw 'yan." Manliligaw? Unknowingly, she smiled on that thought. Nakaramdam ng kilig sa naisip. Iniisip kung paano nga kaya kung seryoso si Brix na ligawan siya.
"Eh ano pala? Ano pala dahilan at nagpapadala siya ng bulaklak sa'yo araw-araw? Bakit ka niya pagkakagastusan araw-araw kung hindi mo siya manliligaw?" Pambubuska pa ni Sabina sa kaniya dahil nakita nito ang kakaibang kislap sa mga mata niya kanina.
"Sab, friend at boss 'yan ng bayaw ko. Naligaw minsan sa bahay at may hindi kami pinagkasunduan kaya sige ka-sorry."
"Sobra naman na mag-sorry na ganito kagastos, mahigit isang linggo na yata mula nang pinapadalhan ka niya ng mga bulaklak."
"Hayaan mo siya at magsawa din 'yan."
"Ano na nga account niya sa socmed?"
"As if alam ko..." pagsisinungaling niya dahil ang totoo ay halos gabi-gabi niya ini-stalk ang account ng lalaki sa lahat ng socia media accounts na mayroon ito. Ang totoo pa nga ay ilang pictures na ba nito ang na-download niya sa phone niya. Inaamin naman niya na ang gwapo naman kasi talaga ni Brix pero hindi nito dapat malaman na may crush siya dito. Naiinis man ay mas para sa sarili dahil iba ang epekto sa kaniya ng lalaki.
"Nakakainis ka..." nakairap at pabirong sabi ni Sabina.
"Mas nakakainis ka, hayaan mo at kapag nakita ko ulit iyan ay ipakilala ko sa'yo."
"Sure 'yan, ha?"
"Yes po. Papakilala ko po sa inyo at baka sakali magkagustuhan pa kayo para tapos na problema ko." Nakangiti siya dito habang nag-iisip ng kalokohan kung paano niya maiinis si Brix.
Just wait, Brix... Makakaganti rin ako sa iyo! We are going to be even.
"WHAT CAN YOU SAY ABOUT THIS BLUEPRINT?" Andrew asked Brix but he seemed to be talking to no one. "Brix?" he called his attention again.
"Yeah... I think this is good pero hindi ba natin pwede ilagay sa gitna ng dalawang room ang CR para convenient sa nakatira?"
"Pwede naman, that's a good idea actually." Tumatangong pagsang-ayon ni Andrew sa kaniya.
"You can take your time making another blueprint, it would be okay. May six months pa naman bago ang actual na pagsisimula ng project."
"Thanks for the consideration, Brix."
"Anyway, how's Ali? Nagugustuhan niya ba ang mga bulaklak na ipinapadala ko sa kaniya?"
Natigilan naman si Andrew sa pag-iba ng usapan. Hindi nito alam kung paano sasabihin na si Lian lang ang natutuwa sa mga bulaklak at araw-araw dinadampot ang mga bulaklak na napupunta lang sa basurahan.
"Ahm... Hindi ko masagot kasi kapag nakauwi na ako ay nakadisplay na ang mga bulaklak sa mga vases sa bahay. Probably, Ali likes it."
"Probably... Lian likes it," nakangiti niyang turan sa kausap. Actually, he doesn't need Andrew's answer. Tinatanong niya everyday ang nagde-deliver ng bulaklak kay Ali. He was informed na nakasimangot ang babae sa tuwing may delivery ng bulaklak.
Natawa naman si Andrew sa sinabi niya. Napapailing sa pagiging bratinella ni Ali.
"What Ali really likes?" Brix asked while looking out of nowhere.
"Who's Ali?"
Napalingon silang dalawa sa nagtanong. That was Anya.
"Who's Ali, Brix?" Anya asked again habang naglalakad palapit sa kaniya.
"She doesn't concern you," medyo iritable ang boses ni Brix nang sabihin iyon. "Why are you here?"
"Pare, lalabas na muna ako..." paalam ni Andrew and started to make his way out of his office.
Tango lamang ang isinagot ni Brix kay Andrew. Nakalabas na ito nang muli niyang harapin si Anya.
"What brought you here, Anya?" iritable niyang tanong dito. Hindi niya siya natutuwa sa ugali nito. Palagi na itong nagpapapansin sa kaniya na parang may relasyon sila. She became clingy na pinakaayaw niya sa babae.
"I just miss you," malambing nitong sabi sabay lapit at agad na iniyakap ang mga braso sa kaniya. She started to kiss him and he just let her. After few seconds that he did not reciprocate her kisses ay agad na tumigil si Anya.
"Are you tired?" Anya said and started to unbutton and unzipped his pants, "ako bahala sa'yo."
He just let her kahit walang kagana-gana sa ginagawa nito. She caressed his length, back and forth then she knelt down in front of him and started to blow him. After a few minutes, Anya stood up while looking in disbelief at his half-aroused member.
"What's your problem?" Inis na sabi pa ni Anya at lumakad papunta sa couch at doon pasandal na naupo. She extended her legs and position herself in the couch seductively.
"Anya..." Tawag niya sa atensyon nito habang isinasara ang zipper ng pantalon niya. He looked at her at napailing sa ginagawa nitong pang-aakit. If katulad sana ng dati ay wala ito magiging problema but he cannot do anything to her anymore, hindi na siya makaramdam ng libog dito.
"What?" mapang-akit ang boses na tanong nito while her eyes looking at him hungrily.
"You should stop seeing me," he directly said to her.
Natigilan ito. Nag-isip. Nakatitig lang sa kaniya na sinasalubong niya rin ng tingin. Makikita ang galit na nasa mga mata nito na pinipigilan nitong supilin.
"Are you breaking up with me?"
He smirked on that question. Ayaw niya sana sagutin ang tanong nito dahil wala naman silang relasyon in the first place aside from being f*ck*ng buddies. Ano'ng break pinagsasabi nito?
"Wake up, Anya!" Natawa na siya ng tuluyan na ikinasingkit naman ng mga mata ni Anya sa pagpipigil magalit.
"So, gano'n na lang? Dahil sawa ka na eh idispatsa mo na lang ako bigla?"
"Stop acting weird, Anya!" seryoso na ang boses niya nang sabihin iyon habang nakatitig dito. Nasa mga mata na niya ang iritasyon sa babaeng kaharap.
Hindi na rin naman nagsalita pa si Anya. Matagal lang itong nakatitig sa kaniya at nang ma-realize na hindi na magbabago ang isip niya ay agad na tumayo at lumapit sa kaniya kasabay ang paghalik sa pisngi niya.
"I know you're just tired, Brix. Just call me kapag hindi ka na stress sa bagong negosyo mo."
He didn't say a word. Ayaw na niya humaba pa ang usapan. Mas okay na rin kung umalis na si Anya. Nahihirapan na siya sa ugali nito na nagfi-feeling may relasyon sila.
Nakalabas na si Anya sa office niya ay tulala pa rin siyang nakatingin sa kawalan. Ang utak ay naglalakbay patungo sa kaisa-isang babae na nanggugulo sa isipan niya.
"ALI!"
Napalingon siya sa malakas na pagtawag sa pangalan niya. Si Sabina.
"Yep?" she responded.
"Sama ka sa amin. Manlilibre si boss..." excited na sabi nito sa kaniya.
"Saan? Ayaw ko gabihin at baka wala kasama si Lian sa bahay," she just alibi. May kasama naman for sure si Lian, bumalik na ang kasambahay nila. Ayaw na nga sana tanggapin ni Andrew pero naawa si Lian.
"Ihatid naman kita pauwi, kahit hanggang 9 P. M. lang tayo tapos paalam na at uwi na."
"Okay," she said while nodding her head unknowingly at sumunod na kay Sabina sa parking lot kung saan naroon ang kotse nito.
She sighed. Naisip ang planong bumili ng kotse. Kulang pa ang ipon niya, ayaw niya naman magpabili sa mga magulang o sa mga kuya. Ang gusto niya ay mula sa pinagtrabahuan niya.
Maybe next year, I could buy one. She positively smiling with her thoughts. Kailangan niya patunayan na kaya niya maging independent para hindi na nagwo-worry lagi ang family niya sa kaniya.
"Nakapunta ka na ba doon?" Sabina asked her nang makasakay na siya sa driver's seat.
"Saan?"
"Sa pupuntahan natin. Saan pa ba?"
"Para naman hindi mo ko kilala, I don't have time sa nightlife kaya for sure hindi ko pa napuntahan. Saan ba banda iyon?"
"QC."
"Wow! Ang laki ng QC. Any specific street or landmark?"
Kibit-balikat lang ang isinagot nito at ipinakita sa kaniya ang phone kung saan nakabukas ang app nito para sa mga direction ng lugar. Nagpatuloy na ito sa pag-drive at hindi na lang rin siya nagsalita at baka maligaw pa sila.
Malapit na sila sa area nang ma-realize ni Ali na parang pamilyar ang lugar. She closed her eyes nang ma-realized kung bakit pamilyar ang lugar sa kaniya.
When Sabina parked her car at sabihing baba na sila ay nag-aatubili na siyang bumaba. The restobar they are going to ay kung saan niya unang nakita si Brix. Napabuntong-hininga siya. Haizt! Sa dami pwede puntahan eh dito pa talaga...
Naglakad na sila palapit sa restobar and she read its name in her mind that made her frowned, hindi niya nabasa dati ang pangalan dahil ang atensyon niya noon ay na kay Andrew, pero ngayon ay malinaw niyang nababasa, Black Bricks. Hindi niya alam pero may kakaiba siya biglang naramdaman. Black Bricks... Brix...
BRIX WAS TALKING TO THE MANAGER OF HIS RESTOBAR WHEN HE SAW HER ENTERING THE DOOR. He frowned upon seeing her. May kasama itong babae, mukhang kasama nito sa opisina. Nasa mukha ni Ali ang pagkailang, obviously because hindi ito sanay sa gano'ng lugar. Napangiti siya ng maalala ang una nilang pagkikita nito.
Naisip niya ang mga bulaklak na pinapadala dito na nauuwi lang sa basurahan. Napangiti siya. Nag-iisip kung paano lalapit dito na hindi ito maiinis sa kaniya or mas mabuting inisin niya pa.
"Ricky," tawag niya sa head waiter.
Agad naman itong lumapit sa kaniya. Sinabi niya dito na ito ang mag-serve sa dalawang babaeng kakapasok lang. Tango naman ang isinagot ni Ricky sa kaniya at agad na sinundan ang dalawang babae.
Tapos na ang report ng manager sa kaniya nang tumayo na siya at muling lapitan si Ricky.
"Saan sila nakapwesto?"
"VIP, Sir Brix. Sa Room 8."
"Dalawa lang sila?"
"Grupo po sila, sir. Maaga pa po napa-reserve 'yong Room 8 ng boss nila."
"Good." He tapped Ricky's shoulder and then said to deliver the bouquet of roses na paparating. "Look for the woman named Ali sa room 8 at ibigay mo ang bouquet," dagdag niya sa bilin rito.
Tumalikod na siya at lumapit na sa bartender's area, agad siyang binati ng dalawang bartender nang umupo siya sa harap ng mga ito. Agad naman nag-serve ng whiskey ang bartender na si Jigs sa kaniya. Alam na nito ang usual niyang iniinom.
"Wala kang kasama, boss?" tanong nito sa kaniya.
"Nah. Pahinga muna."
Napangiti naman ang mga bartenders sa sinabi niya. He checked his phone na kanina pa nagba-vibrate sa loob ng pantalon niya. There were eight messages coming from Anya. He deleted it all na hindi binabasa. Mayroon pang ten missed calls at mula pa rin kay Anya, he sighed on that. Nagkamali siya na pinatulan ito, mukhang mas mahirap pa kumawala dito kaysa sa mga naging girlfriends at flings niya before.
He was about to type a message for Andrew nang marinig niya nagbubulungan ang dalawang bartenders, they were talking about a woman.
"Ganda, pare..." sabi ni Miko kay Jigs.
"Parang palapit dito..." sagot naman ng isa.
"Pero parang ang sungit, mukhang galit..."
Curiosity made Brix look at the woman his bartenders were talking to then he saw her, may dalang bouquet at papalapit nga. Papalapit sa kaniya at galit na galit.
"FLOWERS PO PARA KAY MISS ALI."
Napatingin silang lahat sa waiter na may dalang bouquet ng roses. Naguguluhan man si Ali ay tinanggap niya pa rin ang bouquet dahil nakatingin ang lahat sa kaniya.
"Kanino galing?" tanong niya sa waiter.
"Ahm... Sa may ari po ng restobar, kay Sir Brix."
Hindi siya nakaimik. Kay Brix ang restobar na ito? Haizt! Sabi ko na eh, hindi ko gusto 'yong pangalan ng restobar na nabasa ko kanina!
Napatingin siya sa mga kasama na halatang nanunukso ang mga ngiti sa kaniya. Lalo siyang nakaramdam ng inis. Agad siyang tumayo at lumapit sa waiter na papalabas na sana.
"Nandito pa ba ang boss mo ngayon?" she asked the waiter. Nakangiti. Kailangan hindi ito makahalata na naiinis siya para samahan siya nito kung nasaan si Brix.
"Nasa office niya po siguro or nasa bartender's area. Doon po lagi 'yon sa mga bartenders nakikipag-kuwentuhan," nakangiti at magalang na sagot nito sa kaniya.
"Ah... okay," tumatango niyang sabi na nakangiti. "Puwede pakisamahan mo ako. I wanna say thanks for the flowers."
"Sige po. Please follow me, ma'am."
"Wait..." sabi niya at agad na binalikan ang mga bulaklak na iniwan niya sa upuan kanina.
"Ali, sa'n ka pupunta?" Sabina asked her nang makitang lalabas siya ulit ng VIP room. Nakakunot ang noo, nagtataka. Ang mga mata ay nalipat sa mga bulaklak na hawak-hawak niya.
"Kakausapin ko lang ang nagbigay nito," inis niyang sabi na sinundan lang ng panunukso ng mga kasama.
"Mukhang magkaka-boyfriend na si Ms. Conservative..."
Narinig niya pa na sabi ni Miss Adelle, ang boss nila. Hindi na lang siya lumingon, hinayaan na lamang niya ang mga ito na tuksuhin siya. Kailangan niya nang puntahan si Brix. Sobra-sobra na ang pang-iinis nito sa kaniya.
"MAG-USAP NGA TAYO!"
Napatingin siya sa mga bartenders niya at sa mga ibang tao na nakatingin sa kanila ni Ali. Nasa mga mata ng bartenders niya ang panunukso.
"Okay," relax niyang sagot kay Ali na nakangiti. "About what?"
She was going to say something pero na-realize nito na marami palang puwede makarinig sa kanila kaya agad siyang hinila palabas. He stopped before sila makalabas ng tuluyan na ikinalingon ni Ali sa kaniya.
"Doon tayo sa office ko. Mas maraming tao d'yan sa labas." Kung kanina ay hila-hila siya nito ngayon ay siya na ang may hawak ngayon sa kamay nito at nakapagtataka na hindi ito pumapalag.
They were already in his office nang ihampas ni Ali sa kaniya bigla ang bouquet na hawak-hawak, mabuti na lang na naiwasan niya agad at hindi sa mukha niya tumama kundi sa balikat lamang.
"Ibabalik ko lang sa'yo ang mga ito at ayoko magdala pa ng kalat pauwi!" gigil na sabi ni Ali sa kaniya.
Muli na naman nitong inihampas ang bulaklak sa kaniya nang pigilan niya ang mga kamay nito.
"Pwede mo naman iwan doon sa Room 8 or ibasura kagaya ng ginawa mo sa mga nauna kong pinapadala," natatawa niyang sabi dito. "Why the urge to talk to me?"
Napatigil naman si Ali sa sinabi niya. Napaisip. Tiningnan ang mga bulaklak na hawak na nila pareho dahil pinipigilan niya pa rin ang kamay nito.
"Or unless..." he said in his teasing voice, "you really just wanna see me, Ali. D'you miss me?"