Book 1-Chapter 1 (Plans)

2172 Words
"ALI!" Napalingon siya sa pagtawag ng pinsan sa kaniya. Nang tingnan niya ito ay tuwang-tuwa na ipinakita sa kan’ya ang baby dress na para sa baby girl na may edad na one year old. She smiled sa excitement na makikita sa mukha ng pinsan. Five months na itong buntis at sabi sa ultrasound ay babae ang gender ng baby. Natuwa siya at nakipili na rin ng mga cute na damit na pang-baby girl. Marami na silang napili nang bigla siyang napaismid sa nakitang papalapit. Si Andrew. Ang masaya niyang aura kanina ay agad nawala dahil nakita na naman ang taksil na bayaw niya. Everytime na nakikita niya ito ay nasisira talaga ang mood niya. Andrew sweetly kissed her cousin's cheek "Ang sweet-sweet naman..." she sarcastically said to Andrew habang ngiting-aso na nakatingin sa mga ito. Akala mo naman kung sinong mabait! Feeling mahal na mahal ang asawa... Hmp! Naglambingan pa ang mga ito ng ilang minuto habang nakataas ang kilay niya na nakatingin sa mga ito. She rolled her eyes sa nakikita. My gosh! I will help you kill that man, Lian. I promise! Ibinaling niya na lang sa iba ang paningin para hindi na madagdagan pa ang inis niya sa bayaw. Tumingin na lang ulit ng mga baby clothes. "Ali..." Narinig niya ang pagtawag sa kan’ya ni Andrew pero nagbingi-bingihan siya. Tuloy-tuloy pa rin siya sa kakatingin ng mga cute na gamit pang-baby. "Ali..." si Lian na ang tumawag ng atensyon niya. "Yep?" she said, kunwari ay walang narinig kanina. "I said... may ipapakilala ako sa iyo," Andrew said for nth time, nakangiti ito sa kaniya nang tumingin siya dito. "No, thanks," Ali instantly said, agad na ibinalik ang mga mata sa mga damit pang-baby. Hindi siya interesado sa ipapakilala nito. Kung sinuman na barkada nito ay siguradong kauri rin nito. 'Di bale na lang... Since birth ay hindi pa siya nakaranas magka-boyfriend. Not because wala nanliligaw sa kan’ya, marami actually. There was a time na may nanligaw sa kaniya na gusto niya na rin sana but when she heard na may girlfriend pala ito at nakipag-pustahan lang sa mga barkada kung mapapasagot siya ay iniwasan niya na ito. Hindi siya nakipag-away o nakipag-sumbatan nang malaman niya. She was just thankful na nalaman niya agad bago nahuli ang lahat at baka nauto siya. Since then ay lalo na siyang nawalan ng tiwala sa mga lalaki. She was not a man-hater either. May mga kakilala naman kasi siya na mga matinong lalaki. Her brothers and father and some uncles of hers are living proof na may matitino pa rin na mga lalaki. Matitino at tapat sa asawa unlike the man na nakikita niya sa harap niya. Napabuntong-hininga na lang siya sa inis. She remembered when she first met Andrew, natuwa pa siya para sa pinsan noon. Andrew is good looking, responsible, sweet, caring, loveable at may stable ng trabaho as an engineer sa isang sikat na triple A construction company. Who would have thought na sa likod ng mapagmahal nitong anyo ay sari-saring babae pala ang kalantari nito. Muli niyang tiningnan ang anyo nito at masaya itong nakikipag-usap sa pinsan niya. Pinag-uusapan ng mga ito kung ano ipapangalan sa baby. Kung dati ay napapa-'sana all' siya, ngayon ay napapasabi na lang siya ng 'thanks God, inilayo mo ako sa mga katulad niya'. Muli ay naalala niya ang nakita two months ago. Two months ago na mula ng makita niya itong nagtataksil sa pinsan niya. Two months na rin siya naglilihim sa pinsan niya. Two months na pakiramdam niya ay kasabwat na siya nito sa panloloko sa pinsan niya. Noong gabi na nakauwi siya ay gusto niya sana sabihin kay Lian ang nakita pero naisip na buntis ang pinsan at baka kung mapaano pa ang ipinagbubuntis nito. Paano kung makunan ito eh di kasalanan niya pa? Matagal na nito pangarap magka-baby kaya hindi siya dapat gagawa ng bagay na ikapapahamak ng magiging pamangkin niya. She just prayed that night, na sana maging okay ang lahat at sana if ever na malaman ni Lian ang lahat ay maging matatag ito. Lian is very close to her. Para silang kambal na lumaki, she was an only girl in their family, siya ang bunso sa limang magkakapatid. Lian is his father's brother only child and since they are both girls at matanda lang si Lian sa kan’ya ng two months ay para na talaga silang kambal na dalawa. That night, she was convinced to tell Lian everything she saw, sasabihin niya lahat kinabukasan. Ayaw niya pagtakpan ang kalokohan ng asawa nito, pero nang magising siya kinabukasan ay maaga pa dumating si Andrew. Kitang-kita niya ang saya sa mukha ni Lian sa ka-sweet-an ng asawa lalo na at naalala pa bilhin ang mga pinaglilihian nito. She decided that morning na hindi niya sisirain ang pagsasama ng mga ito dahil sa pagsusumbong. Bahala na sa susunod. Gagawa na lang ako ng paraan para tumigil si Andrew sa pambababae at para hindi nagmumukhang tanga si Lian. That's what she thought then. Kakausapin niya ang bayaw at babantaan na ipapa-bugbog sa mga kuya niyang puro mga maskulado. Ewan na lang kung hindi ka matakot, Andrew. "Ali, what do you think of these?" Lian's cut her thoughts habang pinapakita sa kaniya ang mga baby toys na hawak sa dalawang kamay. "Ikaw..." She just said pero ang nasa isip ay parang unnecessary pa ang mga baby toys. Medyo OA na ang pinsan niya sa pagbili ng baby items pero it was expected, matagal na nga nito gusto magka-baby. Five years na ang mga ito at ngayon lang magkaka-baby. "May bisita pala tayo bukas ng gabi," Andrew said to Lian na nagpabaling rin ng tingin niya dito. Agad ang alarma sa utak niya. Baka babae nito ang bisita at kunwari kaibigan. Huwag ka magkakamali Andrew at baka mapatay na kita kapag ginawa mo 'yan. "Sino?" Lian curiously asked. "Nakilala ko sa isang business meeting ng boss ko. We talked and we get along. Sabi niya eh may gusto siyang business i-offer sa akin. Pwede niya raw ako gawing business partner kung magkakasundo kami." "Wow! That's good news, " Lian said while checking the baby crib na kanina ay tinitingnan ni Andrew, "I think I like this one, hon." "We'll buy it," at sinenyasan nito ang isang saleslady para magpa-assist, "and since we are going to be business partners ay inimbitahan ko siya sa bahay natin bukas for dinner. I hope you and Ali would help me with the food preparation." "Yeah, of course. Right, Ali?" Lian looked at her too. Kung bakit ba kailangan pa pagsang-ayon niya ng mga ito ay hindi niya maunawaan. Nakikitira lang naman siya sa mga ito dahil hindi papayag ang daddy niya kung hindi siya sa mga ito makituloy. Napaikot muli ang mga mata niya ng maisip ang ama. kahit ang daddy at mga kuya niya ay may tiwala kay Andrew, bilib na bilib sa bayaw niya ang family nila. Tumango na lang siya para magsang-ayon sa pinsan niya. They continue choosing for baby items nang magpaalam siya na may bibilhin muna sa bookstore at i-text na lang siya mamaya kung saan niya makikita ang mga ito. HE SAW HER, naglalakad ito mag-isa at may bitbit na paper bag mula sa isang bookstore. Maya-maya ay may lumapit na lalaki sa babaeng tinitingnan, parang may sinasabi at itinuturo ang isang restaurant na nasa dulo ang area kung nasaan ang mga ito nakatayo. Nakikita niya sa mukha ng babae ang inis sa kasama. Kung bakit naman kasi hindi pa nito hinihiwalayan ang two-timer nitong boyfriend ay ito na lamang ang nakakaalam. She's really pretty. Sabi niya sa isip niya. Nakasuot ng shorts at t-shirts lang naman ito and pair of white sneakers but she still managed to be a head turner. He remembered her flushed face months ago, ang pamumula ng pisngi nito sa hiya at pagkailang sa kan’ya. Ang takot nito noong hawakan at amuyin niya ang buhok nito. Ang nagmamadali nitong lakad-takbo para takasan siya nang gabi na 'yon. He was still smiling while looking at her. Hindi niya rin maintindihan ang sarili kung bakit ba masyado siya attracted sa babaeng tinitingnan, hindi pa naman siya nagkukulang sa magagandang babae, beautiful and matured woman hindi kagaya ng babae na sinusundan niya ng tingin ngayon na mukhang teenager kahit hindi na. "Brix," ang tawag na iyon ang nagpalingon sa kan’ya. Si Anya. Nakalapit na pala ito ng hindi niya namamalayan. "Kanina ka pa?" Anya asked him habang sinusundan ng tingin ang tinatanaw niya. "Kararating lang rin," natatawa niyang sabi nang makita na padabog kumilos ang babaeng tinitingnan habang kinuha ang inaabot ng lalaki dito na bouquet ng bulaklak. Nadaan ang mga ito sa isang flower shop. Sweet! "Do you know them?" curious na tanong ni Anya at bumitaw na rin ito sa paghawak sa braso niya. Nasa boses ang pagkainis. Mukhang nababasa ang nasa isip niya. "Nope, natawa lang ako kasi mukhang kawawa iyong lalaki sa babae." "Really?" Anya rolled her eyes pagkasabi no'n. Mukhang hindi ito naniniwala sa sagot niya. "You like her," Anya said and gave the woman on the other side a glance. Kasalukuyan naglalakad na ito kasunod ng boyfriend. "What if gusto ko nga?" hamon niya dito. "Can't you see? May boyfriend iyang pinag-iinteresan mo..." "May boyfriend ka rin naman nang nagkakilala tayo, 'di ba?" "My God, Brix! You're sick!" He smiled to that, totoo naman. Nakilala niya si Anya sa isang house party. They were drinking and she was dancing seductively sa harap niya. They end up f*cking that night. Kinabukasan ay nalaman niya na may boyfriend ito but it won't stop her seeing him every now and then, kagaya ngayon. "You're kinda insulting... I'm here and there you are looking for another prey," nakapamewang na sabi ni Anya. "Insulting? Of course not. We know what we are, Anya... Just f*ck*ng buddies." INIS NA INIS NA TALAGA SIYA KAY ANDREW AT KUNG BAKIT BA SINUNDAN PA SIYA NITO, sana nag-text na lang si Lian sa kan’ya kung kailangan na siya sumunod sa mga ito para kumain. They were walking at sinasadya niya magpahuli sa paglalakad nang madaan sila sa isang flower shop. Andrew went in at inis naman siya na naghintay lang sa labas ng shop. Nang balikan siya nito sa labas ay may dala na itong bouquet of pink roses. Lian's favorite. Kung wala siya alam sa pagtataksil nito ay mapapasabi na naman siya for sure ng 'sana all'. Tsk! Buti na lang... "Pwede ba makisuyo, paki-hawakan mo muna itong bouquet, ako na dadala niyang mga bitbit mo?" "Ilang hakbang na lang tayo bago sa resto, ipapadala mo pa talaga sa akin 'yan?!" Inis niyang sabi dito pero nagawa niya na rin tanggapin ang bouquet at ibigay dito ang bitbit na paper bag. "Isu-surprise ko kasi si Lian. Mauuna ako punta sa table at pakibigay mo 'yan sa magsi-serve ng food," explain nito sa kaniya at sinabi pa ang ibang plano para sa pag-sorpresa sa asawa. "Ginawa mo pa ako utusan," nakasimangot niyang sabi dito, "at paano ko naman makikilala ang taga-serve ng pagkain?" "Ituturo ko sa’yo mamaya. Nakausap ko na ang isang staff doon sa resto. Basta lapitan mo lang at sabihin mo na 'yan 'yong bulaklak para sa table 6... Alam na niya ang gagawin niya." "Haizt..." inis na lang niyang sabi. May pa-surprise pa pala kaya siya sinundo. Ang sweet-sweet naman talaga... Magaling! At magaling rin magtaksil! Hindi na lang siya umimik na sinundan ito, nang malapit na sila sa restaurant ay sinabi nito na magpahuli siya kahit nasa huli na rin naman talaga siya. Parang tanga naman eh! Isang buntong-hininga ang ginawa niya at inalis sa isip ang inis niya dito bago nilapitan ang staff na itinuro nito sa kan’ya, it is better na hindi niya masira ang good atmosphere, just go with the flow na lang muna siya. For Lian and my beautiful niece. PATULOY NIYA PA RIN TINITINGNAN ANG BABAE. HIS EYES ROAMED TO HER BODY, her curves. He looked at her thick dark brown curly hair na naka-braid ngayon in one side. He remembered her scent at napangiti siya sa naisip. May kakaiba itong bango, not the shampoo she was using but her own scent blending with the shampoo, at gusto niya malaman kung saan nagmula ang kakaibang halimuyak nito. He liked her scent and just thinking of her scent made him hard. Damn. Napailing siya, he's almost thirty-one at para pa rin siyang teenager na hindi maka-kontrol ng sariling katawan. "Gusto mo ba tulungan na kitang makilala 'yan?" Anya said acidly while sipping the straw of her milk tea. Milk tea na hindi niya napansin na nabili na pala nito dahil abala siya kakatingin sa babae na sumusunod sa boyfriend. "No need, I already have my plans..." nawala na sa paningin niya ang babae nang pumasok na ito sa restaurant at inakbayan naman niya ang kasama para maglabas na sila ng mall. Alam niyang naiinis na ito and he was hard already by thinking of the beauty that was out of his reach... For now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD