BRIX SAW THE MAN NA PALAPIT SA KAN’YA. Nakangiti ito na lumapit. Nang makalapit ay naupo na ito sa upuan na nakaharap sa kaniya.
Inabot niya rito ang isang folder para sa agreement nila sa bagong negosyo na naisip. Kinuha niya ito as business partner. Siya ang mamumuhunan at ito ang magiging general manager with an agreement of two years na 80-20 ang magiging hatian nila sa kita. Twenty percent of gross income ay mapupunta dito plus monthly salary.
The construction company na nakaplano na talaga sa isip niya ay maisasakatuparan na niya by the help of this man na nasa harap niya ngayon.
"What do you think of my offer?" He asked the man in regards sa agreement contract na nasa harap nito ngayon.
"Wala na ako masabi, pare. I am so thankful na sa akin mo in-offer ito," the man gratefully said to him.
"If you do like it then pwede mo na i-consider ang pag-resign sa company mo ngayon at lumipat na sa akin... The papers are waiting for your signatures," aniya at inabot na rito ang sign pen na dala.
Agad naman nito kinuha ang sign pen at sunod-sunod na pinirmahan ang mga papel na nasa harap.
"Pare, I told you last time na gusto kita imbitahan sa bahay para makilala mo rin si misis," the man said while signing the papers.
Misis? May asawa na ito? Napailing siya sa naisip. Napangiti ng nakakaloko. Mukhang mas babaero pa yata sa kaniya ang bagong business partner niya.
"Yeah... okay 'yon. Kailan ba?" Agad niya naisip ang pagsang-ayon. Pabor sa kaniya kung makikilala ang misis nito.
"Mamaya sa dinner time sana kung free ka. Nagpahanda na ako kay misis. If okay lang sa'yo..." Nananantiya nitong tanong.
"Yeah... It's okay. Wala naman ako lakad this night," tumatango niyang sabi dito. Excited na rin siyang makilala kung sino ang misis na sinasabi nito.
"DO YOU KNOW THE NAME OF THIS GUEST OF YOUR HUSBAND?"
"Mmm... Hindi ko natanong eh," Lian answered her question while checking the food in the microwave.
"Babae o lalaki?" pangungulit niya.
"I don't know either. Baka lalaki. Never pa naman may friend si Andrew na girl na dinala dito sa bahay. Mostly mga officemates na nasasama niya dito ay mga lalaki, 'di ba?" Lian answered her with another question.
"Yeah..." Napatango naman siya sa nasabi ni Lian. Totoo naman. Ilang kasama nito sa office ang naimbitahan na nito sa bahay at mga lalaki ang mga 'yon. Ang iba ay nirereto pa sa kan’ya. Haizt!
Tiningnan niya ang wall clock, it was already seven in the evening. Siguradong parating na si Andrew at ang bisita nito. She then helped Lian with the table. Wala sila kasambahay ngayon kasi last week pa nang magpaalam umuwi at hindi na bumalik. Baka nagtanan na... She thought na napapangiti.
Fifteen minutes silang nag-ayos pa ng mga dapat ayusin. When they were done ay nagpaalam siya na mag-shower lang muna dahil amoy ulam na siya. Natawa naman si Lian at nagsabi na mag-shower na rin ito ng madalian at nakakahiya sa importanteng bisita ni Andrew.
Almost eight in the evening ng marinig niya ang doorbell pero nasa loob pa siya ng kwarto nagbibihis. Probably ay naroon na rin si Lian kaya hindi na niya inintindi ang pagbaba at tinapos na niya ang pag-aayos ng sarili.
Maya-maya ay katok sa pinto ng kwarto niya ang narinig niya then followed by Lian's sweet voice calling her name.
"Yep?" Bungad niya rito pagbukas ng pinto.
"Ali, you need to come with me downstairs. Kailangan mo makilala 'yong kasama ni Andrew," pabulong nitong sabi sa kaniya.
Agad naman ang pag-alarma ng paranoid niyang utak. This is the first time na inakyat siya na pinsan dahil may bisita. Baka babae nga! The nerve, Andrew!
"Halika at samahan kita... Pero kahit ano mangyari eh kalma ka lang at baka ma-stress si baby," hila-hila na niya ang pinsan at nauna pa siya papunta sa hagdan pababa. Handa na siyang manugod.
"Teka... " Lian frowned, "bakit naman mai-stress si baby?"
Tuloy-tuloy naman siya sa pagsasalita habang pababa sila ng hagdanan at nakikinig na lamang si Lian na nasa likuran niya kahit naguguluhan na sa mga kinikilos niya at pinagsasabi.
"What I mean is... Eh kasi nga baka nakaka-stress na sa iyo ang bisi–" ta niyo. Hindi na niya nasabi iyon dahil nasa baba na sila at nakatingin na si Andrew at ang kasama nito sa kanila.
"PARE, MY WIFE IS FIVE MONTHS PREGNANT and she was very glad nang sabihin ko na may taong nag-offer sa akin for business. Sabi niya ay nakakatuwa na magiging part na ako ng isang construction company, not as employee only but with shares."
Pinakikinggan niya lang ang pagkukwento ng kausap. Buntis pala ang asawa nito kaya siguro nakakaisip mambabae, baka hindi na napagbibigyan.
Naisip naman niya 'yong kasama nito sa mall kahapon nang makita niya. Bata pa at maganda pero biktima na ng babaero niyang kausap. Hindi na rin talaga ako makokonsensiya agawin siya sa'yo. You don't deserve her.
Ilang saglit lang ay nag-park na ito ng sasakyan sa harap ng isang bahay na nasa loob ng isang subdivision. He glanced at the house. May kalakihan ang bahay ng mga ito.
"You have a nice house. Ikaw ba nag-design?" tanong niya habang bumababa sa kotse nito. Nakisakay na lang siya rito, ayaw niya mag-drive. Hindi naman siya magtatagal. Makikipagkilala lang siya sa misis nito at papahatid na lang siya sa resto bar niya kung saan sila nagkita kanina.
"Oo eh... Pero si misis talaga ang may idea ng lahat. Ako lang nag-layout," sagot nito habang naglalakad sila papunta sa main door.
Maya-maya ay may bumukas na ng pinto at nakita niya ang buntis na asawa nito. She's very pretty. Mukhang may lahing kastila dahil mestiza.
"Pare, I want you to meet Lian. My beautiful wife," proud na pakilala ni Andrew sa asawa kasabay ng pag-akbay dito.
"Good evening," magalang niyang bati sa maybahay nito.
"Lian, this is Brix. Brix Silva. I want to call him 'sir' pero sabi niya eh mas prefer niya ang first name basis. He is the one I'm telling you about, " pagpapakilala naman ni Andrew sa kaniya na nagpatango lang sa asawa nito.
He looked at Lian's face, mestiza at maganda. Naisip na mahilig pala sa mestiza si Andrew.
"The dinner is already prepared. If you like we can chat while eating," Lian suggested and cut his thoughts.
"Yeah... Kain na tayo," Andrew said and looked at him, "tara pare, deretso na tayo sa dining."
"Wait..." Lian said nang may maalala, "mauna na kayo sa table. I'll call Ali muna."
Ali? Sino si Ali? Baka anak ng mga ito...
"Mauna na tayo sa mesa?" Andrew asked him.
"We can wait for them while I'm checking your house. Now I am sure na tama nga na ikaw ang kinuha kong maging business partner, your works speak for you," totoong papuri niya sa nakikitang trabaho nito. Maganda talaga ang disenyo ng bahay ng mga ito.
Nag-usap pa sila ng tungkol sa mga ibang plano sa construction company at nagkukwento si Andrew ng ibang mga projects na nagawa nito. He was amazed, magaling pala talaga ang lalaki kung babasehan ang mga nagawa na nito. Pulido ito magtrabaho, kasing pulido ng pagiging babaero. Nangiti siya ng maisip ang babae nito na gusto niya makilala... at maagaw.
He don't know what is wrong with him, simula ng makita niya ang babaeng iyon sa bar ay hindi na ito nawala sa isip niya. Even if he is f*ck*ng beautiful women ay ito pa rin ang nasa isip niya. He wants her.
Nakatayo sila malapit sa dining room ng marinig nila ang nagmamadaling mga yabag mula sa hagdan and then he saw her. He frowned. What the...
Why is she here? Maid? Friend? Definitely friend ni misis at ka-affair ni mister. Life...
"ALI, ANG GULO MO. WHAT DO YOU MEAN ON THAT? ANONG STRESS?"
"Wala," she answered Lian habang ang mga mata ay nakatingin sa lalaking kasama ni Andrew. Siya 'yon eh! Hindi ko makakalimutan itong gwapong nilalang na ito na saksakan ng manyak!
Nakatingin lang ang lalaki sa kaniya. Nasa mga mata nito ang disgust at pagtataka. Disgust? Eh mas disgusting ka kaya!
"Halika na, Lian. Mauna na tayo sa table," nailang na siya sa tingin ng lalaki. Bakit ba kasi sa dami ng tao sa mundo eh bakit kilala ito ni Andrew? Magkauri nga naman! Haizt!
Nauna na nga sila sa table at dahil apat lang sila ay kaharap niya ang lalaki sa mesa. Nakapagdasal na sila at nagsisimula pa lang silang kumain pero wala na siyang gana dahil sa lalaking wala ng ginawa kung hindi ang tingnan siya.
"Pare, sorry for informalities. Nakalimutan ko pala pakilala sa'yo. Pinsan ni misis. Si Ali..." Andrew said after malunok ang nginunguya.
Napatango naman ang lalaking kaharap. Parang may kung anong naisip na nagbigay liwanag sa isip nito. Napangiti ito sabay sabi...
"Nice meeting you... Ali."
Hindi naman niya maintindihan ang sarili. Why she seems feeling hot lalo na ng banggitin ng lalaki ang pangalan niya. Tinitigan niya ito... Ang gwapo talaga! Ang mga mata, iba makatingin. Ang pagnguya...
"Ang sarap..." she said while looking at him, napatingin naman si Lian sa kaniya. Mukhang kanina pa nakakahalata ito sa titigan nila ng lalaking kaharap.
"Ali?" It was Lian, waring sinisiguro kung tama ba ang narinig sa kaniya.
"Ang sarap ng luto mo, Lian... " nahihiyang sabi niya kay Lian. Bwesit na lalaki ito! Kung ano-ano tuloy nasasabi ko.
"Ikaw ang nagluto niyan," Lian corrected her. Natatawa pa ito sa kaniya.
"Ha?" Tiningnan niya ang food na nasa plato at napangiwi siya sa hiya, luto niya nga ito. Ano ba kasi nangyayari sa akin? Nakakahiya na...
"Masarap ka pala magluto," nakangiting sabi ng lalaking nakaharap sa kaniya. Agad naman siyang nagyuko ng ulo dahil alam niyang namumula na naman ang mga pisngi niya sa kahihiyan.
"Thanks," sabi niya at yumuko na lang ng ulo para hindi na makita ang mukha ng kaharap at kung ano-ano pa naiisip niya. Nakakawala ng katinuan. My God!
"Lian, una na ako," maya-maya ay bulong niya sa pinsan kahit hindi pa siya tapos kumain. Masakit na kasi batok niya sa kakapilit na huwag tingnan ang lalaki sa harap.
NAPATANGO SIYA NG SABIHIN NI ANDREW NA MAGPINSAN PALA ANG DALAWANG BABAE. Parehong mestiza at parehong maganda. Nasa lahi siguro ng mga ito ang dugong kastila.
Naintindihan na rin niya kung bakit gano'n ang reaksyon ng babae no'ng una niya itong makita sa resto bar na sumusunod kay Andrew. Nakita nitong nagtataksil ang bayaw at syempre kampi ito sa pinsan.
He looked at her face. Maganda talaga ito kahit saang anggulo tingnan. Ang mga mata niya ay bumaba sa leeg nito at sa dibdib, even nakasuot ito ng t-shirt na maluwag ay mahahalata ang size 36-D nitong dibdib. He smiled on some lewd thoughts na pumasok sa isip niya.
"Ang sarap..." Sabi nito habang nakatingin sa kaniya. He frowned, ang pagkain ba ang tinutukoy nito o siya. He smiled sweetly on her because of that. Your feisty!
Nang sabihin nito na masarap ang luto ng pinsan at sabihin ng kausap na ito ang may luto ay lihim siyang natuwa, mukhang may pag-asa siya base sa reaksyon nito.
"Ha?" Nanlalaki ang nga mata nitong sabi at napatingin ulit sa kaniya. She's caught. Parang batang nahuli may ginagawang kalokohan at namula na ito sa hiya. Legit na mestiza talaga.
Would she bruise easily kung...
"Masarap ka pala magluto," he commented, teasing her.
After that ay hindi na ito tumingin sa kaniya. Pinipilit na sa plato na lang ilagay ang atensyon at mukha ng tanga sa kakabaling ng tingin kung saan-saan para lang hindi masalubong ang mga titig niya.
"Ahem," si Andrew iyon na nakahalata na sa kakaibang tinginan nila ng dalagang nasa harap. Napatingin naman siya kay Lian na nakatingin rin sa kaniya. Nakahalata na rin sigurado.
Maya-maya ay nagpaalam na si Ali sa pinsan nito, mauuna na raw. Napangiti siya. Agad itong tumayo ng mesa at lumabas na ng dining room at narinig na nila ang mga yabag nito paakyat ng hagdan.
"Mukhang mapapadalas ang dalaw ko dito sa bahay ninyo, Mrs. Domingo," nakangiti niyang sabi kay Lian.
Lian smiled to him at tumingin kay Andrew. When Andrew nods his head ay muli itong nagsalita...
"I know na tinutulungan mo si Andrew and I am so grateful for that, but..." Lian said with a cliffhanger, "but Ali is not a collateral, Mr. Silva."
He smiled to the concern tone of Andrew's wife and when he looked at Andrew ay nasa mukha rin nito ang pagdududa sa kaniya.
Napatango siya. It seems na masyadong protective ang mag-asawa kay Ali. Good! What a nice kinship. Mukhang natsa-challenge na talaga siya.
"I'm not asking for a collateral, Mrs. Domingo... but I am asking for your approval," nakangiti niyang sabi dito. Tiningnan niya ang mga ito at hinihintay ang magiging reaksyon sa sinabi niya.
"Just call me Lian, Mr. Silva."
"Then call me, Brix."
"ALI... NAKAKAHIYA KA..."
Inis na inis na sabi niya sa sarili habang tinatakpan ng unan ang mukha niya.
"Ano ba problema mo at parang ngayon ka lang nakakita ng gwapo?!" Patuloy niyang kausap sa sarili.
"Ang gwapo naman kasi talaga. Yung mga mata niya, yung ilong ang perfect, yung mga labi..." Napakagat siya sa lower lip ng maisip ang mga labi ng lalaki kanina habang ngumunguya. Parang ang sarap-sarap halikan...
Nakita niya kung paano siya titigan nito at kahit mga titig pa lang nito ay nag-iinit na ang pakiramdam niya. Naalala ang una nilang pagkikita, ang ginawa nitong pagdikit sa kaniya at pag-amoy sa kaniya. Now she knows, hindi siya natakot na baka may gawin ito sa kaniya. Natakot siya kasi alam niyang papayag siya. God, Ali!
Then her hands goes to her lips, touching it... She's twenty-five and never experienced to be kissed. Her hands travel down on her neck and goes down to her proud breast. She started to touch her body then she scandalously sat up and erased all the lewd things in her mind. Muling sinisi ang lalaki na obviously nasa baba pa at siguradong kausap pa ng pinsan at bayaw. Muli niyang ibinagsak ang sarili sa kama, iniisip na hindi na siya teenager para magka-crush.
Ilang saglit siyang nakahiga lamang at nakatitig sa kisame ng maisip na silipin kung nasa baba pa ang lalaki. She walk through the door para lumabas nang maisip na hindi na niya ito dapat makita para hindi siya nakakaisip ng kung anu-ano.
Muli siyang nahiga para matulog pero dahil ayaw siya dalawin ng antok ay muling bumangon at nagdesisyon na manood na lang ng movie para maantok pero natapos na lang ang paborito niyang movie na 'The Hobbit' ay hindi pa rin siya makatulog.
She decided na lumabas na lang ng kwarto at bumaba sa kusina para kumuha na lang ng gatas. She checked the time, it is already past 12 A. M.
Nakababa na siya at dimlight na lang ang ilaw na nakikita, tulog na ang mag-asawa. Diretsong pumunta siya ng kusina dahil doon naman ang sadya niya.
She entered the kitchen at hindi na nag-abala magpa-ilaw, kabisado na niya ang kusina ng bahay. She started to look for fresh milk in the fridge when she heard someone's voice...
"Looking for some milk? Wanna try mine?"