Uwi na... "Hoy Chaese, sagutin mo nga yang telepono mo. Ang sakit sa tengga ha," sagot sakin ng pinsan ko. Inirapan ko lang siya na ikinatawa niya ng bahagya. Hindi ko pa din sinagot ang telepono ko na nakapatong sa ibabaw ng table sa aking harap pero isinilent ko na muna. Pakiramdam ko ay hinahalukay ang bituka ko. Hindi ko din naman masyadong maintindihan kung anong ikinagaganito ko. Dahil may event naman sa school at walang klase ay naisipan kong umuwi muna at dalawin ang aking pinsan. Mas mainam na nga siguro ito. Baka kailangan ko munang mapag isa at lumayo. Nang makauwi kami sa bahay ay tinawagan ko agad si papa at nagpaalam. Pumayag naman agad siya. Gusto kong mag isip at hindi ko magagawa yun kung malapit ako kila Chase. Sa sobrang pagmamadali kong makaalis kanina ay ni