"NAY, may good news ako sa inyo," nang abutan ni Mia ang kaniyang Nanay Rosita na abala sa pagdidilig ng mga tanim nitong ornamental plants sa kanilang bakuran. Katulad ng dati, itinulak ng dalaga ang bakal na gate saka nagmano sa kaniyang kinikilalang ina nang makalapit rito."Alam ko na, nabanggit na sa akin nung kaklase mo," anitong nakangiti siyang pinagmasdan. Nagsalubong ang magagandang kilay ni Mia. "Kaklase? Sino pong kaklase?" taka niyang tanong. "Iyong batang gwapo? Anak ni Fidel at ni Aurora?" sagot ng kaniyang ina. Noon naunawaan ni Mia ng lubusan ang ibig sabihin ng kaniyang ina.At kasabay niyon ay ang mabilis na paghangod ng isang nakakakilig na damdamin na hindi niya nagawang pigilan dahil sa magandang ngiti na pumunit sa kaniyang mga labi. "Ah, si Erik po ba ang sinasa