NASA kalagitnaan na sila ng kanilang paglalakad nang magsimulang pumatak ang malalaking butil ng ulan. "Naku mas maganda siguro sumilong muna tayo," si Mia sa nababahala nitong tono. Noon tiningala ni Erik ang langit saka pagkatapos ay nilingon ang dalaga. "Palagay ko nga, kasi for sure na malakas iyan at kahit mag-share tayo ng payong mababasa parin tayo. Baka magkasakit ka," nasa tono ng pananalita ng binata ang pag-aalala kaya naman lihim na nakaramdam ng kilig dahil doon si Mia. Sa ilalim ng isang waiting shed na kanilang nadaanan pinili nila ni Erik na sumilong sandali. Naupo siya sa bakal na bench doon at tinabihan naman siya ng binata. Parang iyon lang ang hinihintay ng langit na mangyari, ang makahanap sila ng masisilungan, dahil matapos iyon ay saka naman nito ibinuhos ang