“KAHIT kailan hindi ko naranasan sa piling niya ang maging ganap na masaya. Alam mo ba na limang taon niya akong niloloko? Literal niya akong pinagbubuhatan ng kamay, hindi niya ako pinahahawak ng pera. Ang palagi niyang sinasabi sa akin hindi ko daw kailangan ng pera sa pitaka ko kasi pinakakain at binibihisan naman niya ako. Hindi ko naisip minsan man na ganoon siya kasama. Iba siya kumpara sa ugali na ipinakikita niya noong high school pa tayo,” pagpapatuloy ni Mia sa pagkukwento habang nakayuko. Tahimik na nakikinig lang si Erik. Hindi niya alam kung wala siyang maisip kaya hindi gumagana ang utak niya nang mga sandaling iyon. O baka naman parang nahihirapan lang siyang tanggapin na iyon ang totoo. “Kaya ako tahimik kasi para sa akin hindi ko na kailangang isiwalat pa sa iba kung an