"How was it?" Farrah looked at Ervin right after she bit the street food called *"betamax".* Hindi n'ya muna sinagot ang tanong ng binata at dahan-dahan n'ya pa rin na nginunguya ang betamax at sinusubukan na intindihin ang panlasa nito. Nakakunot ang kaniyang mga mata dahil sa buong buhay n'ya ay ngayon n'ya pa lang natikman ito kahit na ilang beses n'ya na rin itong nakita sa daan sa Manila. Kung hindi pa s'ya napilit ng binata ay hindi n'ya ito titikman. Napapakurap habang ngumunguya at nakatingin naman sa kaniya ang may malawak na ngiti at nakataas na kilay na si Ervin. "I can't taste anything." Nagtataka n'yang sambit. Hindi napigilan ni Ervin ang matawa dahil sa sinabi ng dalaga. "What? What's funny? I really can't taste anything. Suka lang ang nalalasahan ko." Pagklaro pa n'ya.