"Good morning, sir. I am Farrah -----" Biglang naging parang pakong pinukpok na pako si Farrah sa kinatatayuan n'ya nang magtaas ng tingin ang taong nasa harapan n'ya. Kitang-kita n'ya rin kung paano nanlaki ang mga mata ng kaharap sa gulat habang s'ya naman ay hindi makapaniwalang nakatayo s'ya ngayon sa harapan ng taong 'to. "Farrah? W-what a-are you d-doing here?" "E...Er-vin? W-what are you d-doing here?" Mabilis na tumayo ang binata at saka dinaluhan s'ya. Ang kaba sa dibdib ni Farrah ay biglang hindi magkamayaw sa lakas. Ano ang ginagawa ng lalakeng ito rito? Bakit s'ya narito? Ang mga ganung katanungan ang naglalaro ngayon sa kaniyang isipan habang hindi inaalis ang nagtataka at gulat na tingin sa binata. "Ervin? Why are you here? Where is Engineer Matthew? I am here and I