Tila isang kandila na idinikit sa sahig si Farrah sa loob ng kaniyang opisina. Hindi s'ya makagalaw at pakiramdam n'ya ay ang bigat ng kaniyang katawan. Nakalabas na si Ervin at hindi n'ya alam kung saang bahagi ito ng site dumiretso. Iniiwasan n'yang magsabay sila sa paglabas dahil pakiramdam n'ya ay pagtitinginan sila ng mga tao rito. Ano nga naman ang rason nilang dalawa upang hindi pagbuksan ang kumakatok na tauhan kanina. Wala rin kasing sinabi si Ervin na may mahalaga silang ginagawa. Pero ano naman, hindi ba? "Sh*t! What if they're going to make a rumor and they'll spread it here? No! That can be... happening." mabilis n'yang kinuha ang folder na palagi n'yang dala-dala sa tuwing naglilibot sa site. Sinuot n'ya rin ang cap na s'yang required para sa safety ng lahat. Suot ang p