"Labas na lang muna tayo, sa labas tayo kumain" ani Ervin sa tahimik na si Farrah. Tiningnan ng dalaga ang binata saka tiningnan ang sarili. Wala s'yang saplot at nasa ilalim lamang s'ya ng kumot. Si Ervin ay nakabihis na at dahil pagod na pagod s'ya sa ginawa nila maghapon ay nakatulog s'ya at kagigising n'ya lang. "Maliligo muna ako," saad naman ng dalaga. Ngumiti at tumango ang binata. "I went outside to get this kaya hindi na kita nahintay na magising." Nanlaki ang mga mata ni Farrah nang makita n'ya ang isang bouquet ng white rose. It was freaking beautiful. How the hell did he know she was into white roses? She's been seeing this rose at their house and right down her room. Malawak ang ngiti s'yang bumangon at tinanggap ang bouquet ng bulaklak. "White roses, these are so pretty.