"Surprise......" Naihampas ni Ervin ang pinto ng kaniyang bahay nang marinig ang sigaw na 'yon ng babae mula sa loob. Naningkit ang nga mata n'yang tiningnan ang kung sino 'yon. Malawak ang ngisi ng babae nang makita n'ya na ito ng harapan. "Annalise?" Takang tanong ni Ervin. "Paano ka nakapasok dito?" dagdag n'ya pa. "Oh, come on, hindi mo ba ako na-miss, Ervin Matthew? Because I miss you so damn much." Umikot ang mga mata ng dalaga, may halong pagtatampo ang boses nito at humaba ang nguso. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, Annalise." Pag-uulit ni Ervin. Seryoso ang kaniyang boses sapagkat sa tingin n'ya ay may ideya na s'ya kung paano nakapasok ang babae rito sa bahay n'ya. "Hmm!" Irap naman ng dalaga, "hindi mo nga ako sinabihan na nakabalik ka na pala galing sa bakasy