Napalunok sya ng maraming beses sa kaba. Siguro tama na ang pagkukunwaring okay lang sa kanya na walang Aerolle sa buhay nya. Simula ng dumating ito sa buhay nya at walang awang bumukas ng bagong pinto sa puso nya nag-iba ang lahat. Kung noon hindi nya naiintindihan ang sakit sa mga mata ni Meagan sa twing umiiyak ngayon alam nya na. Sobrang sakit pala talagang gumising sa umaga at makipag sapalaran sa buong araw habang ang taong mahal mo malayo sayo at malaking chance na bukas maaring hindi na ikaw ang mahal nya. "I don't want to waste time anymore. I never quit missing you. I never stop loving you." "Really? You do not love me because of too much alcohol, right?" She chuckled and kissed him without words leaving him stiffened. It's now or never. She do not know kung hanggang saan