Nagising si Farrah nang may naramdamang bigat na nakadagan sa kaniya. Daha-dahan n'yang ibinuklat ang mga mata n'ya ay nakita n'ya ang nakapatong na braso sa tyan n'ya. Her eyes widened as she turned her head to the side and saw the peacefully sleeping Ervin with his back facing on the ceiling. Nakadapa itong natutulog habang ang mukha ay nakalingon sa kaniya at ang braso nito ay nakadagan sa kaniya. Bahagya s'yang gumalaw at napa-ungol at ngiwi s'ya nang maramdaman n'ya ang sobrang sakit sa gitnang bahagi ng kaniyang mga hita. Mabilis n'yang tinakpan ang bibig sa kaba na baka marinig ng binata ang boses n'ya. Tiningnan n'ya ang sarili sa ilalim ng nakatakip na kumot sa katawan n'ya, dumiin ang pagkakakagat n'ya sa kaniyang ibabang labi nang makitang wala s'yang kahit na anong suot.